Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUN NETWORK PALPAK, MAY LIHIM SA PAGPATAY

$
0
0

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na maihayag ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaisipan, paniniwala, sumbong o rek-lamo at iba pa. Heto po sila.

MAY LIHIM SA PAGPATAY

Good day po. Napakahiwaga naman ang nangyaring pagbaril at pagpatay sa itinuturong suspek sa pag-ambus kay RTC Judge Wilfredo Neves ng Malolos City.

Posibleng may mga prominenteng personalidad na dawit o may kinalaman sa mga mabibigat na kasong hawak ng napaslang na Judge, kaya tinuluyan nang todasin ang suspek dahil doon sa mga ibinigay nyang mga statement. At posibleng may responsibilidad at may kinalaman din ang mga kapulisan ng Malolos sa mga masalimuot na kasong hawak ng judge. Thanks po. Ben Latigo. 0932300

BANAT KAY GRACE POE

Grace Poe, hindi naman abogado at kulang pa sa kaalaman at hindi pa Pangulo pero binabanatan na si Supreme Court Associate Justice Carpio tungkol sa batas. 0908878

KAHIHIYA SA TANIM-BALA

May video ng foreigner missionary na pinagpiyestahan ng mga scanner ang maleta.

Kawawang traveller, akala mo nga inakyat bahay. Isa ito sa pinakamabigat na ebidensya. Takpan mo pa, Sec. Pabaya, pero ang kapalpakan ay nakikita na sa buong mundo. Ano kaya ang masasabi ni PNoy rito? Isolated? Abangan. 0926594

DRUG PUSHER

Good day po. Isumbong at ireklamo ko lang po itong isang alyas Tolits, ng Sitio PLDT, Barangay Inarawan, Antipolo City na isang drug pusher. Sana maaksyunan na ito nila Brgy. Capt. Huertas at Mayor Jun Ynares. 0907598

DUTERTE KAY GRACE POE

Sabi ni Duterte, mga Filipino nagkakaisa dahil sa Constitution. Kahit iba’t ibang kultura at traits ang nasa iba’t ibang region, kapag nilabag ang Konstitution para gawing Filipino citizen ang isang Amerikano, mawawasak ang pagkakaisa at humiwalay na ang Mindanao. 0908878

PATAY GAMIT SA PULITIKA

Good day. Masaya at tatakbo na si Davao Mayor Duterte. Maganda ang laban. Itong si Grace Poe ay sobrang ambisyosa. Wala pang napatutunayan, ginagamit lang ‘yung kasikatan ng kanyang tatay-tatayan niya na si namayapang Fernando Poe Jr.

‘Yan ang drama ng mga politiko, pati matagal nang patay binubuhay sa ngalan ng politika. Mamaya minulto sila ng mga patay na ginagamit nila. Mas kailangan dito sa Pinas ang Presidente na may kamay na bakal para sugpuin ang pamamayagpag ng illegal drugs. 0922634

SUN NETWORK INIIWANAN

Maraming subscriber/consumer ng Sun Network ang sa ngayon ay nagrereklamo dahil sa ‘di malinaw na signal nito at may mga pagkakataon na tuluyang nawawala ang nasabing signal sa kanilang cellphone. Maging ang inyong lingkod ay nakaranas ng ganitong aberya.

Kapuna-puna na tila walang ginagawa ang mga pamunuan ng Sun Network hinggil sa bagay na ito. Inakala tuloy ng maraming subscriber o ng consumer ng Sun Network na ang may diperensya ay ang mismong kanilang mga cellphone. Ngunit sa masusi at matiyagang pag-oobserba ng mga subscriber ay napag-alamang ang Sun Network ang may diperensiya at hindi ang mga cellphone natin. Bakit nga ba ganito ang naging estilo nitong Sun Network na ito? Ni wala man lang silang pinalalabas na anunsyo na may problema ang signal ng kanilang Network.

Marami na tuloy ang nagpalit ng sim card at lumipat sa ibang network. Tama lang, magpalit tayo ng ibang sim/network. Casper. 0923347

KASONG AMPATUAN

Tila may kabagalan at usad-pagong ang kaso ng mga naging biktima ng karumal-dumal na pagpatay sa Maguinda-nao massacre. Matatapos na ang termino at panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino ay hindi pa rin nakakamit ng mga biktima ang hustisya. Kailan kaya makakamit ng mga pamilya ng mga biktima ang hustisya na tila tinutulugan na lang ng korte? Thanks po. Ben Latigo. 0932300

POE TAKOT SA DNA TEST

Bakit takot si Grace Poe na ma-DNA test si Bongbong Marcos para sa kanya? O kaya ay i-DNA test din si nanay Susan niya na nakatatandang kapatid ni Rosemarie Sonora! 0908878

PUNA SA HENERAL

Good morning. Ano ba itong si PNP General Asher Dolina? Akala namin dismissed na ito sa pnp. Palaging nandito pa rin sa PRO-8. Parang RD pa rin kung umasta. Pumapasok pa rin sa PRO-8 Headquarters, kumakain at natutulog sa Headquarters.

The worst, he is still influencing command and orders to pnp pro-8 personnel! At alam na, automatic ang collection sa patong ng illegal gambling, drugs at fishing! Lokohan lang ba ang order ng Ombudsman sa pag-dismiss kay General Dolina? Ito ba ang Matuwid na Daan? Grabe! 0947171

SWAPANG SA GOBYERNO

Sir Benny, ‘yung ating mga taga-gobyerno, sa sobra nilang talino, nawawalan na sila ng sentido comon. Nagiging suwapang na sila kahit nahihirapan na ang mga mamayan sa pagpapakain sa kanila. 0999653

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>