Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATOLIKO RAW BA SI MAYOR?

$
0
0

SUMASABOG na naman ang social media sa mga reaksyon dahil sa pagmumura ni presidential candidate Rodrigo Duterte kay Pope Francis.

Ang depensa ni Duterte ay hindi naman daw ang Papa ang minumura niya kundi ang traffic na ang naging dahilan ay ang pagbisita ni Pope Francis noon sa Pilipinas.

Kahit pa na-shock ang buong bansa, na karamihan ay mga Katoliko, sa pagmumura ni Duterte kay Pope ay marami pa rin ang handang ipagtanggol ang ginawa ni Duterte.

Ang tanong tuloy, Katoliko kaya si Duterte? Naalala ko ang isang beauty queen na nagkomento rin na bakit daw ganun ang pagsamba ng mga Katolikong Pinoy kay Pope Francis, dapat daw ay sa Diyos lang ang ganu’ng klase ng pagsamba.

Marami rin ang nagalit sa beauty queen na ‘yun, marami kasi ang nasaktan, marami ang na-offend.

May mga naging isyu na ukol sa mga konsepto ng “respect to religion” or “freedom of religion.”

Sigurado ako na alam ni Mayor Duterte ito dahil sa Mindanao ay matindi ang pag-observe sa paggalang sa paniniwalang relihiyon dahil maraming hindi Katoliko roon at maraming iba’t ibang relihiyon ang namumuhay at nakita roon.

Kaya ang malaking isyu rin dito ay ang pagrespeto sa paniniwala ng mga Katoliko o paggalang sa paniniwalang relihiyon ng kapwa.

Hindi nakapagtaka ang reaksyon ng marami sa mga binitiwang salita ni Duterte na may pagmumura habang nagkukwento siya kung paanong gusto raw niyang tawagan si Pope para pauwiin na.

Bilang public servant, hindi lahat nadaraan sa pagmumura. May tinatawag na diplomasya.

Ang sabi siguro ng ilan sa kampo ni Duterte, hindi raw marunong magsinungaling si Mayor.

Sasabihin niya kung ano ang nararamdaman niya, hindi siya mangingiming ipaabot ang saloobin niya.

Pero ang pagiging diplomatiko o ang paggamit ng diplomasya para maipaabot ang mensahe ay hindi naman pagsisinungaling o pagkimkim ng saloobin.

Ito’y ang mas disente o katanggap-tanggap na paraan ng pagpapahayag lalo na kung iisipin o iko-consider ang paggalang sa mga tao na iba ang paniniwala kaysa sa iyo.

Ang sigurado rito, milyon-milyong Katoliko ang nasaktan at nainsulto sa pagmumura ni Duterte kay Pope Francis.

o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya’y mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>