Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAANG MATUWID, ‘DI DAPAT MAGPATULOY

$
0
0

MALINAW na iba ang sinasabi sa ginawa ng kasalukuyang administrasyon kay Senadora Grace Poe.

Kitang-kita kasi sa binibitawang salita ni PNoy na gusto nitong pabayaan na lamang daw ang kandidatura ni Poe para Pangulo pero mukhang iba naman ang ikinikilos at ginagawa ng mga alipores ni Mar Roxas.

Hindi kasi naniniwala ang kampo ni Poe na walang kinalaman ang Liberal Party, partikular na ang mga attack dog ni Roxas sa mga kasong isinampa sa kanilang manok para ipadiskwalipika ito bilang kandidatong Pangulo sa 2016.

Maging ang tao tuloy ay hindi naniniwalang walang alam ang Roxas camp sa paggiba kay Poe dahil ito ang mabigat nilang kalaban sa eleksyon, maliban pa kay Digong Duterte na sumali na rin sa labanan.

###

‘Di dapat magpatuloy ang paghihirap ng mga Pinoy kaya dapat supilin na ang grupong “Daang Matuwid.”

Kailangan na kasing wakasan ang problema sa trapiko at kakulangan ng mass transport system sa bansa na araw-araw na nagpapahirap sa sambayanang Filipino.

Maging ang port congestion ay tinulugan lang ng PNoy admin kaya dapat nang magising ang madla sa pagpili ng kandidatong iboboto sa 2016.

Isip ang dapat pairalin ng mga Filipino at hindi ang endorso ng isang Pangulo na wala namang masasabi at maipapagmalaking monumental project na nagawa niya sa estado.

###

Panahon na para magkaroon tayo ng departamento na siyang tututok sa problema ng disaster sa bansa.

Ito ang gustong mangyari ni Poe dahil ayaw na nitong mangyari ang ginawang sisihan nina Roxas at pamilya Romualdez noong panahon ng Yolanda.

Malinaw na malaking problema na ang mga nangyayaring kalamidad sa bansa kaya’t dapat may sarili nang departamento na tututok dito.

###

Lalo lamang humina ang kandidatura ni Roxas nang sumabak na si Duterte. Malinaw kasi sa pagtataya ng mga political analyst na si Roxas ang kakainan ni Duterte ng boto lalo na sa Visayas at Mindanao.

Sa ngayon, lalo lamang nabaon ang kandidato ni PNoy kaya’t malamang ay maghanap ang pangulo ng panibagong mamanukin. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>