Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PULUBI AT MAKAPAL ANG MUKHA SA PARIS

$
0
0

HUMIHILING ngayon ang Pilipinas ng ayuda mula sa iba’t ibang bansa para maitaguyod umano nito ang mga programang laban sa climate change, lalo na ang pag-iinit ng mundo.

Okay naman ang aksyong ito ng ating Pangulo na si Benigno Aquino III. Dahil sa totoo lang, maraming bagay ang hindi natin magagawa, lalo na ang mga nangangailangan ng malalaking gastusin.

Kasama na rito, halimbawa, ang pagtatanim ng mga puno na bilyon-bilyong piso ang kailangan at pagtatayo ng mga pader laban sa mga storm surge at gamit na moderno para sa siguradong pagtaya ng panahon, lalo na ang mga bagyong dumarating.

Pero hindi kaya istayl pulubi naman sa kabilang banda ang ganitong pinaggagagawa ni PNoy? At taliwas ito sa inilalako niyang paniniwala na mayaman na ang gobyerno at ang buong bansa dahil sa pagpapairal niya ng Matuwid na Daan?

MGA PROBLEMA

Ano-ano nga ba ang mga problema na nakaaapekto sa climate change mula sa Pilipinas at ano-ano ang mga problema na ipinararating naman ng climate change sa mahal kong Pinas?

Marami at hindi mabilang sa daliri ang listahan ng mga problemang ito.

Paano kung sarili nating kagagawan ang mga nakasasama sa kapaligiran at nakaaapekto talaga sa pag-iinit ng mundo? Paano kung sarili rin nating kagagawan ang dala ng climate change mismo sa atin? Paano kung ang mga sarili nating gawa ang pinagmumulan talaga ng ating mga problema kaugnay ng climate change?

Sa ibang salita, paano kung tayo mismo ang may gawa ng nakasasama sa ating kapaligiran na nagbubungan ng pagiinit ng mundo na tayo rin mismo ang napipinsala?

Sa mga tanong na ito, nakahihiya ang pagsasabi natin sa mga dayuhan na dapat silang gumastos para sa atin para makakilos tayo laban sa climate change.

POLUSYON NG SASAKYAN

Kabilang sa mga pinagmumulan ng climate change ang polusyon na nanggagaling sa mga sasakyan at sinasabing 60 porsyento ng polusyon ang galing dito.

Bakit nga ba nagkakaganito, mga Bro?

Siyempre, naririyan ang anomalya sa testing emission ng mga sasakyan sa mga araw ng pagpaparehistro.

May mga non-appearance na, may pandaraya pa sa pag-testing at paglalabas ng resulta ng emission test.

Habang kumikita ang mga testing center, anak ng tokwa, kinikikilan naman ng mga awtoridad ang mga negosyanteng may-ari ng mga testing center.

Para mabawi nila ang mga suhol at kikil ng mga awtoridad, ang ginagawa ng mga testing center ay testing nang testing para makakolekta sila ng pambawi sa mga suhol at kikil sa kanila.

SMOKE BELCHING

Ito namang mga nanghuhuli ng smoke belching, sinasadya nilang barurutin ang mga silinyador ng mga sasakyan sa kanilang pag-testing hanggang sa malunod ang mga makina sa gasolina at diesel.

Siyempre pa magbubuga ang mga ito ng katakot-takot na usok para sa polusyon at diyan na maniningil ng mahal na multa o kikil mula sa mga motorista.

Pinababayaan din ang mga pabrika na maglabas ng katakot-takot na usok kapalit ng mga malalaking halaga upang maging pipi at bingi ang mga ito sa mga reklamo ng taumbayan na naaapektuhan.

Ngayon ay sinasabihan ni PNoy na kailangan nilang gastusan ang polusyon sa Pinas?

KALBONG KAGUBATAN

Kalbo na ang mga kagubatan natin at wala nang kakain sa mga carbon dioxide na galing sa mga hininga ng tao at lason sa kapaligiran mula sa mga sasakyan at pabrika.

Napakaliit na lang ang mga kagubatan natin dahil sa sarili nating kagagawan. Naririyan ang pagmimina na umuubos sa mga lupa, kasama ang mga punongkahoy. Naririyan ang mga illegal logging na grabe kapag nilayasan ng mga rebelde ang mga kagubatan na kanilang pinagtataguan.

O kaya naman, kapag pinalayas ng mga pwersa ng pamahalaan ang mga katutubo, gaya ng mga Lumad na nagbabantay at nag-aalaga sa ating mga kagubatan.

Naririyan din ang mga anomalya ng reforestation project na hanggang nursery lang ang lahat sa mga tabi ng kalsada ngunit umuubos ng bilyon-bilyong piso.

Walang mga nagtatanim sa bundok, maging ang mga logger na inaatasan magtanim ng puno sa kanilang mga logging area.

Ngayon, sinasabi natin sa iba na gastusan nila ang mga reforestation project natin?

PULUBI SA KALAMIDAD

Kung sinalakay na tayo ng mga bagyo, baha, gutom, sunog at iba pa, na bunga ng climate change, anak ng tokwa, sa donasyon pa rin ng mga dayuhan at mamamayan umaasa ang pamahalaan. At kapag may nagbigay ng donasyon, hindi ba kinokorap o kaya’y hinahayaang mabulok saka itinatapon ang mga ito gaya ng nagaganap sa Leyte ngayon?

Pakapalan talaga ng mukha ang ginagawa natin sa climate change meeting sa Paris.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>