Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ONE DOWN, DALAWA PA…

$
0
0

HAYAN na. Umikot na ang gulong ng kapalaran kay Senator Grace Poe matapos siyang ilaglag ng second division ng Commission on Elections.

Anomang hirit ang gawin ni Ms. Grace, taingang-kawali lang ang mapapala niya – diskwalipikasyon!

Orihinal na plano iyan ng rehimeng Aquino at ng kanilang partido, “ubusin” ang kalaban sa pulitika.

So, one down, dalawa pa more kasi ikinonsidera nila na ang kandidatura ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ay mahina sa batayang maysakit at hindi na siya makaiikot pa para mangampanya. Owwss?

Asahan na bago matapos ang taong 2015 o pagpasok na pagpasok ng taon 2016, sangkaterbang kaso naman ang isasampa laban kay VP Jejomar Binay.

Opo, handog ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na pikit-matang tagasunod ni Boy Sisi Aquino III (BSA3).

Katulad ng desisyon na ginawa niya laban sa anak ni VP Binay na si Makati City Mayor Junjun Binay, ipagbabawal ang pagtakbo sa anomang larangan ng pulitika ni VP JOJO!

Magkakasubukan yata talaga ah. At bago pumalaot ang kampanya sa susunod na taon, wala ring duda ang pagbagsak ng mga bomba, diskwalipikasyon kay Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa tulong ng mga mamahaling maningil na PUBLIC RELATIONS GROUP na magbubuhos ng malaking halaga ng pera sa mass media at mga abogado-de-campanilla.

Sa social media nga todo na ang bomba ng LIBERAL PARTY attack dogs kay Mayor Duterte, eh. Babaero raw?

Kaya ba niyang talunin ang record ni dating Pangulo at Manila City Mayor Joseph Estrada? Ibinoto siya, ha.

Sugarol daw si Digong? Bakit, may kuha ba siya tulad ni ERAP sa isang casino?

Palamura raw? Hahahahaha. Bakit, nalimutan na ba ng taumbayan ang NAPAKAWALANGHIYANG PAGMUMURA NI MAR ROXAS sa isang rali sa Makati noon?

Mas matindi magmura si Mar sa totoong buhay.

Noon nga kapag nahuhuli ang media sa kanyang pag-inarte sa mga palengke, tulo-luha ng staff niya sa pagpapaliwanag!

Pinalalaki rin ng LP PR group ang isyu ng pagmura ni Mayor Rodi kay Pope sa isang pagtitipon, “p..i…n.. mo Pope… traffic…”

Sa nag-iisip, hindi si Pope Francis ang minura niya kundi ang malasadong pamamahala ng inutil na rehimeng Aquino.

Naulit iyan nito lang nagdaang APEC ‘di ba?

Nang makaabot nga kay Santo Papa ang sinabi ni Mayor Duterte, natuwa pa siya at humanga sa katapatan ng pananalita si Duterte.

Hep, teka. Hindi ko iboboto si Digong! At kayo naman, mga obispo at pari na nagmamalinis kontra Duterte, hmmm, ang dami ninyong lihim na alam ng maraming tao! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes