Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘SANA’Y MAHAWAKAN KO ANG TITULO NG LUPA KO’

$
0
0

NGAYON naman ay bigyan natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang reklamo ng isang senior citizen kaugnay sa house and lot na ni-loan nito sa Filinvest House and Lot Loan sa Dasmariñas, sa lalawigan ng Cavite.

Gaano man katooo ang reklamo ni Mr. Catalino R. Bermas, hindi ito dapat na balewalain ng ating mga kinauukulan.

Basahin natin ang kabuuang nilalaman ng mga text message ni Mang Catalino:
Gud morning, Sir Johnny, nag-text ako sa inyo upang humingi ako ng tulong sa inyo.

Nag-house and lot loan ako noong year 2000 for 15 years nang may monthly payment na P5,200 na babayaran ko hanggang sa taong 2014.

Nag-manual counting ang Filinvest pero nagulat ako dahil may kulang pa umano akong P1,800. Ganon pa man binayaran ko ito.

Naghintay ako nang mahigit sa isang taon pero wala pa rin po at pinabalik-balik lang ako sa main office nila.

Nakiusap ako sa Filinvest House and Lot Loan na sana ay mahawakan ko ‘yung titulo ng lupa ko habang buhay pa ako at kahit paano’y alam ko na may ipamamana ako sa aking mga mahal sa buhay bago ako mawala sa mundo.

Sir Johnny, may mga advance payment ako at may insurance pa, pagod na ako sa pabalik-balik sa kanilang main office sa Mandaluyong.

Sana ay mabigyan ito ng pansin ng mga kinauukulan.

Salamat, Sir Johnny. Sana ay mailathala ninyo ito.

VK SA CALAMBA, PATULOY PA RIN

Patuloy pa rin sa pag-o-operate sa mahigit 200 mga video-karera ni Rico ng Tanay at dinala niya sa Calamba, Laguna.

Nadala ni Rico ang mga VK nito (kung totoo man ito) sa tulong ni Region 4-A R2 Supt. Dionesio Bartolome.

Bukod sa operasyon ng VK ay talamak din umano ang bentahan ng droga sa mga puwesto nito.

oOo
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya’y ipadala sa email: juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>