Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ELAMPARO HALATANG PAKAWALA

$
0
0

MARAMI ang nagtataka kung bakit si Senadora Grace Poe lamang ang kinaiinitan ni Atty. Estrella Elamparo gayung ang iba pang mga presidentiable katulad nina Mar Roxas at Jojo Binay ay pare-pareho rin namang may dinadalang bagahe at kapalpakan sa ginawa nitong pamamahala sa ahensiya at mga opisina nitong hinahawakan.

Malinaw na may taong nasa likod ni Elamparo dahil kung wala at isa siyang matinong abogado na nagmamahal lamang sa bayan ay idedemanda niya rin ng katiwalian itong sina Roxas at Binay.

Kitang-kita ang motibo ni Aling Estrella sa pagdidiin sa anak ni Da King dahil sangkatutak ang pwede niyang isampang demanda laban kay Binay dahil sa kwestyunable nitong yaman ay wala siyang isinampa ni isa mang kaso sa Ombudsman.

Maging kay Mar Roxas na may pagkukulang sa nangyari sa bagyong Yolanda, Mamasapano massacre at paglala ng problema sa LRT at MRT ay ‘di man lamang niya ito kinuwestiyon sa media man o husgado.

Klaro tuloy sa mga nag-iisip sa ngayon na isa lamang ang agenda ni Elamparo at iyan ay durugin si Poe at ipatanggal ang name ng anak ni Aling Susan sa balota.

Pinatunayan din ito ng mga kilos ni Estrella matapos agad itong maghain ng mosyon sa Comelec na tanggalin o huwag isama ang name ni Poe sa iimprentang balota gayung alam niya bilang abogado na hindi pa pinal ang desisyon ng Comelec dahil mahaba pa ang proseso at mayroon pang Supreme Court na siyang may pinal na say sa lahat ng asunto.

Hindi rin maitatanggi ang kabubulgar pa lamang na may kaugnayan si Elamparo sa LP dahil ang law firm niyang kinaaaniban ay malapit sa abogado ni Roxas.

Marami pang dapat sagutin si Aling Estrella sa madla at iyan ang dapat tutukan dahil mistulang tuta na rin ng mga politikong may maiitim na budhi ang mga abogadong ‘di malaman kung nasaan ang prinsipyo. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>