Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD DIRECTOR AT REMATE COLUMNIST NAGKABATI NA

$
0
0

ISA na yata sa pinaka-successful na induction ng mga Press Corps sa NCRPO Press Club noong gabi ng Nobyembre 26 na ginanap sa Quezon City Sports Club.

Humigit-kumulang sa 200 katao ang dumalo at sumaksi sa induction na pinangunahan mismo ni NCRPO Chief, PDIR Joel D. Padilao at ng 5 Police District Director.

Inakala ng marami na hindi darating at dadalo itong si Quezon City Police District Director, PC/SUPT. Edgardo Tinio, dahil sa hindi magandang relasyon nito sa inyong lingkod na Pangulo naman ng NCRPO Press Club.

Maging ang mga miyembro ng Press Club at ilang pulis, kabilang na ang NCRPO Director ay hindi rin umasang darating ang hepe ng police ng Quezon City dahil nga sa “gap” naming dalawa.

Naipamahagi na ang lahat ng plaque sa 5 District Director, 6 na best police station/unit kabilang ang NCRPO, investigator of the year award, Darling of the Press award at ang plaque ng National Press Club at PDIR Joel Pagdilao ngunit ni anino nitong si Gen. Tinio ay hindi pa rin nakikita sa paligid ng Quezon City Sports Club.

Nakapagbigay na ang lahat ng kanilang mga mensahe ang mga awardee ngunit wala pa rin ang Heneral kaya inakala talaga ng lahat na hindi na ito darating.

Habang ako ay nakaupo para kumain at hinihintay na tawagin ako ng mga emcee na sina kuyang Ed Verzola at Rambo Labay para sa closing remarks ay biglang lumapit sa akin at hinila ako ng presidente ng QCPD Press Club na si Almar Danguilan.

Lingid sa aking kaalaman ay dumating na pala itong si Gen. Tinio na noon ay nakatayo sa may presidential table kung saan ay roon ako dinala ni Almar Danguilan.

Habang papalapit ako ay sinalubong ako nitong si Gen. Tinio at sa harapan ng maraming tao ay niyakap ako kung kaya nagsigawan ang nasa loob ng Pugad Lawin function room at tuwang-tuwa sila sa pagbabati namin ni Gen. Tinio habang ako ay parang tulala pa rin at speechless.

Sino ako para tumangging makipagkaibigang muli sa isang heneral na nagpumilit makarating sa aming okasyon sa kabila ng pagiging busy nito sa kanyang trabaho?

Habang nagbibigay ng kanyang mensahe itong si Gen. Tinio ay nasa tabi pa rin niya ako kaya muling nagsigawan ng mga kalokohan ang mga mamamahayag na naroon sa nasabing okasyon.

May nakapagbulong sa inyong lingkod na talagang pinagplanuhan na pala ‘yung pagbabati namin ni Gen. Tinio ng mga opisyal at miyembro ng NCRPO Press Club, QCPD Press Corps at ilang pulis QC na binasbasan naman ni NCRPO Director, Gen. Joel Pagdilao.

Kung mayroon mang natuwa sa pagbabati namin ni Gen. Tinio ito ay walang iba kundi si PDIR Joel Pagdilao at P/SUPT. Arnel Olivares at ang buong tropa ng QCPD Press Corps.

Sa nangyaring pagbabati namin ni Gen. Tinio sa induction ceremony ng NCRPO Press Club ay nakita ko kung anong klase siyang opisyal.

Tuloy nasabi ko sa aking sarili na “bilib naman ako sa Heneral na ito, siya pa ang nagpakumbaba o lumapit sa akin para lang makipagbati sa harapan pa ng maraming tao.

I salute you, Gen. Tinio, Sir, maraming maraming salamat sa pang-unawa at suporta. Mabuhay ka at ang QCPD.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>