Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISKAM SA SAHOD NG SEAMEN

$
0
0

ISKAM sa suweldo ng mga seaman?

‘Yan ang nais malaman ni Capt. Santos A. Ibon, beteranong seaman na sa tagal na yata sa trabaho ay maituturing nang ‘alamat sa propesyon’.
Si Capt. Ibon ay dumulog kamakailan sa POEA para imbestigasyon ang Widesea Marine Services & shipping Lines, Inc.

Hiniling niya kay POEA hearing officer Harvey Dumbab na silipin ang umano’y paghokus-pokus ng Widesea sa kanyang suweldo.

Sa kanyang inihaing reklamo, daang libo ang ‘nawala’ sa kanyang suweldo na iligal na kinaltas ng nasabing marine company.

Nabanggit din ni Capt. Ibon sa salaysay na ‘di lang siya ang nakaranas ng iligal na pagkaltas, kundi marami pa sa kasamahan niyang seamen.

Kung paano nangyari ang iligal na pagkaltas, ito ay isinalaysay ng kapitan sa ilang pahinang salaysay sa isinampang kaso.

Respondents sa kanyang reklamo si Leonides Montilla, President and General Manager ng Widesea, ayon kay Capt. Ibon.

Kasama rin sa kinasuhan sina Engr. Clarito Montilla, Vice President and Chief Operating Officer at Shiela Arcay, accountant.

Nais din ni Capt. Ibon na – bukod sa POEA – hihilingin niya sa Kongreso na imbestigahan ang kanyang reklamo vs Widesea.

Kasama ang kapatid na beteranong mamamahayag na si Cris Ibon, nakatakdang makipagkita si Capt. Ibon kay Rep. Nikki Briones.

Si Rep. Briones ay chairman ng committee on Overseas Workers Affairs sa Kamara na nag-iimbestiga sa OFW complaints.

‘Di lang si Capt. Ibon ang nagreklamong overseas workers na iligal na nakakaltasan ng suweldo pero ‘di naaksyunan ng gobyerno.

Kailangan na sigurong umakto ang pamahalaan, partikular ang Kongreso para mahinto na ang gawain na ito ng ilang kumpanya.

Kapag napatunayan ang reklamo, dapat lang sigurong parusahan ang Widesea sa pamamagitan ng pagkansela ng kanilang lisensya.

Ito’y para magsilbing aral sa mga kumpanya na ‘nagnanakaw’ sa mga hard-earned salary ng mga seafarer at Overseas Filipino Worker.

Sa Pinas, kahit saan ay may iskam. Ano ba ‘yan! CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>