Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DQ CASE NI GRACE LUTO NA SA COMELEC

$
0
0

LUTO na!

Ito, mga suki, ang ating napag-alaman sa kumakalat ngayong liham sa mga miyembro ng media ukol sa kasong disqualification laban kay Sen. Grace Poe sa Commission on Elections.

Lalo tuloy tumibay ang suspetsang ang kagustuhang mapatalsik si Sen. Poe sa labanan ng pagka-Pangulo sa Mayo 2016 ay kagagawan ng kanyang kalaban na walang kapana-panalo sa halalan kung hindi hahaluan ito ng dayaan.

Ayon sa ipinakalat na liham ng grupong Bantay-Balota ng Bayan na nakabase sa Quezon City, umapela ito sa mga media na bantayan ang ginagawa umanong pagluluto ng Comelec sa kaso ni Grace.

Lumutang, mga suki, ang pangalan ni Comelec chairman Andres Bautista at ng isang Arnel Bacarra sa nasabing isyu.

Si Bacarra na general manager ng Bataan Shipyard and Engineering Company (BASECO) ay sinasabing protege o tirador ni Chairman Bautista sa Comelec.

Ang BASECO ay sequestered company at kasalukuyang nasa ilalim ng PCGG pero itong si Bacarra ay lantad na nagtatrabaho para sa Comelec, ayon sa grupong Bantay-Balota ng Bayan. Kung totoo ito, iligal ito!

Lumutang din ang pangalan ni Caloocan Rep. Egay Erice, opisyal ng Liberal Party, sa planong “lutuin” si Sen. Grace.

Kay Erice umano nagre-report si Baccara at ang mambabatas ang binigyan ng advance information sa magiging desisyon ng 2nd Division ng Comelec na madidiskuwalipika ang senadora sa presidential race.

Ibig-sabihin, ngayon pa lang ay alam na ng Liberal Party ang magiging kapalaran sa Comelec ni Sen. Poe sa kaso ng residency na isinampa ni Atty. Estrella Elamparo na kumakalat na isa ring pakawala ng Malakanyang.

Kamakailan daw sa board meeting ng BASECO, ipinagmalaki ni Bacarra na tiniyak sa kanya ni “Boss Andy” na madi-disqualify si Poe sa En Banc ng Comelec at hindi ito makatatakbo sa 2016 presidential elections. Utos daw sa “itaas” ang gagawing desisyon ng Comelec.

Ang impormasyong ito ay hindi lang kumakalat sa media, mga suki.

Ito rin ang malakas na bulong-bulungan mismo sa Comelec…na si Sen. Grace ay matatalo sa disqualification case.

Ano raw ba ang kapalit kapag napatalsik si Poe sa presidential race? Matindi raw kasi, mga suki, ang pangarap ni Bautista na maitalaga sa Supreme Court kapag presidente na ang manok ng LP na si Mar Roxas.

Pisting yawa, mga bay! Hindi natin ito dapat payagan! Bantayan! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.