Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BOSSES SA TANIM-BALA AT AMPATUAN MASSACRE COPS

$
0
0

MAY mga balitang magaganda ngayon. Ang mga balitang ito ang matagal na nating inaantay.

Ayon sa National Bureau of Investigation, may mga matataas na katungkulan sa Ninoy-Aquino International Airport o Manila International Aviation Authority o taga-Department of Transportation and Communication o Philippine national Police-Aviation Security Group o iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa tanim-bala.

Kaya sasampahan umano ang mga ito ng mga kaukulang kaso.

Sa Ampatuan massacre naman, nagdesisyon na ang National Police Commission laban sa mga pulis na nanahimik o kasabwat sa pagmasaker ng mga Ampatuan sa 58 katao sa Maguindanao anim na taong na ang nakalilipas.

Sinibak na sa Philippine National Police ang 21 pulis na nanahimik o kasabwat sa masaker.

NAKA-DUTY

Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, may mga matataas na opisyal, lalo na ang mga naka-duty, habang nagaganap ang mga tanim-bala, ang kanilang sasampahan ng kaso.

Kung ano ang ibig-sabihin ni Mendez ay bahala na kayong mag-isip, mga Bro.

Pero naiisip natin, ang mga ito marahil ang nagdedesisyon sa mga oras ng aregluhan o patigasan.

‘Yun bang === kung magbibigay ang biktima ng hinihinging halaga ng mga korap na magtatanim ng bala, walang kasong maisasampa.

Kung makikipagtigasan naman ang biktima, mabilis na iniuutos ng mga ito ng pagsasampa ng kaukulang kaso kasabay ng paghuthot sa mga ito ng mga napakalalaking piyansa.

PAMPULITIKA

Noong una, buong akala natin na walang ilalabas na ganitong balita ang NBI. At kung mayroon man, walang iba kundi ang matatagpuan nila na mga pakana para sirain lang umano ang ngalan ni Mar Roxas na kandidato mismo ni Pangulong Noynoy bilang Pangulo sa halalang 2016.

Sana naman, ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal sa airport ang bigyan ng pansin ng NBI at hindi ‘yung paniniwalang pulitika lang ang lahat.

SINO BA SILA?

Kung totohanin ng NBI ang pagkakaso sa mga korap sa tanim-bala na nakasisira sa imahe ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa, dapat kasama rito ang pagpapangalan na rin sa mga ito.

Habang maagang makilala ang mga ito, mas mainam upang hindi sila basta makakilos para sirain ang mga ebidensya laban sa kanila o impluwensyahan ang mga maaaring testigo laban sa kanila.

Isa pa, dapat kasabay na pagkakaso ng NBI ng agarang suspensyon o pagkaalis sa puwesto ng mga sangkot sa tanim-bala.

Ke sindikato ang antas ng mga ito o hindi, dapat lang silang makilala, masibak at managot kaagad sa mga krimeng sumisira sa buhay ng mga mamamayan.

Pero sana naman, walang sasantuhin ang NBI, maging ang mataas na opisyal na nagsisilbing mga bosing ng mga nagtatanim-bala.

Tanong lang, mga Bro: mayroon din kayang madadamay na mga piskal o hukom kaya?

AMPATUAN MASSACRE

Nagdesisyon na ang National Police Commission na sibakin mula sa Philippine National Police ang mga pulis na nanahimik o sumang-ayon sa pagmasaker sa 58 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2016.

Pinangalanan ng Napolcom ang mga pulis na sina Supt. Abusama Mundas Maguid, C/Insp. Zukarno Adil Dicay, Insp. Rex Ariel Tabao Diongon, Insp. Michael Joy Ines Macaraeg, SPO2 Badawi Piang Bakal, SPO1 Edurdo Hermo Ong, PO3 Rashid Tolentino Anton, PO3 Felix Escala Enate, PO3 Abidudin Sambuay Abdulgani, PO3 Hamad Michael Nana, PO2 Saudiar Ubo Ulah, PO2 Saudi Pompong Pasutan, PO1 Herich Manisi Amaba, PO1 Michael Juanitas Madsig, PO1 Abdullah Samma Baguadatu, PO1 Pia Sulay Kamidon, PO1 Esperileto Giano Lejarso, PO1 Esmael Manuel Guialal, PO1 Narkou Duloan Mascu at PO1 Rainer Tan Ebus. Another police officer – Insp. Saudi Matabalo Mokamad.

Serious neglect of duty ang dahilan ng pagsibak sa mga ito.

Si Maguid ang acting provincial director nang maganap ang masaker samantalang deputy o assistant niya si Dicay.

PAGLILINAW

Nais lang nating malaman, mga Bro, kung sino-sino sa mga pulis na ito ang kabilang sa mga nakapagpiyansa sa kaso.

Mayroon ba? Nais din nating malaman kung sino-sino sa mga ito ang hanggang ngayon ay nakakulong pa rin.

Kung may nakalalaya sa mga ito sa bisa ng piyansa, dapat bantayan ang mga ito.

Sa pagkakatanggal kasi ng mga ito sa serbisyo, baka may maghuramentado sa mga ito. At pangunahin na madaramay ang mga pamilya ng mga biktima at testigo sa kasong dinidinig na ng hukuman.

SALUDO SA NAPOLCOM

Siyempre pa, inabot man ng 6-6 pero hindi 9-9 ang Napolcom, batiin pa rin natin sila sa “job well done” sa pagtanggal sa kapulisan ng mga dapat na matanggal.

Salamat po sa inyo dahil ang pagkakatanggal sa pulisya ng mga pulis na ito ay bahagi ng rin ng hustisyang ating ipinaglalaban kaugnay ng masaker.

oOo
Anomang puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>