Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PILIT NA PILIT

$
0
0

GRABE na ang ginagawa ng partido ng administrasyon.

Mas naka-concentrate yata ang mga ito sa pag-demolish ng kanilang mga kalaban kaysa sa mangampanya.

Malinaw kasi na matapos nilang durugin si VP Jojo Binay ay si Senadora Grace Poe naman ang kanilang tinututukan nang husto dahil bukod sa palagian itong nangunguna sa mga survey nitong mga nakalipas na araw ay talaga namang ayaw umangat ni Mar Roxas.

Tiniyak din ng kampo ni Digong Duterte na sila na ang susunod na target ng demolition team dahil sila na ang angat sa survey ngayon at dahil diyan ay dapat maging alerto at mapagmasid ang tao dahil panahon na naman ngayon ng mga manloloko at dorobo sa pulitika.

Sa madaling salita, hinog sa pilit ang gustong mangyari ng LP dahil alam naman ng lahat na kulelat si Mar at mukhang patungo na sila sa labanang mas gusto nila ang walang kalaban.

###

Mas naniniwala si Grace Poe na may pag-asa siya sa Supreme Court kaysa sa Comelec.

Alam nila kasing lutong-makaw ang Comelec dahil malinaw naman ang merito ng kanilang kaso.

Tama lamang na iakyat nila sa SC ang kanilang kaso dahil dito may konsensya ang mga mahistrado at hindi katulad ng mga nasa Comelec na pawang appointed na ni Pangulong Noynoy ang lahat ng mga ito.

Sana tama rin ang balitang mag-i-inhibit sina Justices Antonio Carpio, Arturo Brion at Teresita de Castro na siyang bumoto para patalsikin si Poe sa Senate Electoral Tribunal dahil kung hindi, masyadong magiging agrabyado itong anak ni Panday.

Dagdag pa na masyadong magiging malasado ang laban sa Korte Suprema.

###

Grabe kasidhi ang hangarin ni Atty. Estrella Elamparo na patalsikin itong si Poe.

Mukhang totoo na tuloy ang balitang may unawaan sila ng kampo ni Roxas.

Gigil na gigil kasi si Aling Estrella kay Poe gayung bilang abogado ay alam naman niya ang proseso.

Sana hindi tulog ang mamamayan dahil ang kilos ng LP at ni Elamparo ay sumusunod sa kanilang game plan at iyan ay ang pagsibak sa kanilang mga kalaban para maipilit ang kanilang pambato na si Roxas na maupo sa Malakanyang kahit sa anong mapanlinlang na paraan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>