TOTOO ba na mga pekeng coastguard at sinusuutan lang ng uniporme ng coastguard ang pinag-e-escort sa mga barko kaya ‘pag may mga aksidente at banggaan ay natataranta ang mga pekeng coastguard na ito?
Kung totoo mang mga pekeng coastguard ang pinag-e-escort ng Navotas at Malabon Coastguard, hindi dapat na balewalain ito ni Philippine Coastguard Officer-In-Charge Real-Admiral William Melad.
Kung totoo ito, baka magkaroon ng indulto sa karagatan at mamoblema ang hukbong sandatahan ng Philippine Coast Guard.
Basahin natin ang isang text message ng isang concerned member ng PCG.
Good am, Sir Johnny.
Masugid akong tagasubaybay ng inyong kolum na Juan De Sabog.
Gusto ko sanang iparating ang concern ko rito sa ilog ng Navotas at Malabon lalo na sa Tangos.
‘Pag may pumapasok na barko sa ilog ay mga peke ang pinae-escort na coast guard dito dahil mga tambay lang po sa tabi ang pinasusuot nila ng damit ng coast guard o kaya mga bata na inuutusan lang nila.
Ayaw nang mag-eskort ang mga kasama ng hepe rito dahil sa hindi maayos ang nagiging partihan nila. Napapagod lang daw ang mga lehitimong coast guard.
Sana, Sir, makarating ang reklamo o mga pangyayaring ito sa district o kaya kay Philippine Coast Guard Real Admiral Melad. Salamat po.
SI PD ANG KAPIT KAYA WALANG TAKOT
Walandiyo itong si Bebot na super sa lakas sa kapulisan ng Padre Garcia, Batangas.
Sa kabila ng iligal ang peryahan nito dahil puno ng iligal na sugalan ay patuloy ang pagmamayabang nito.
Lagi nitong isinasangkalan na pader siya sa bagong provincial director na si Supt. Arcadio Ronquillo.
Ang tindi ng peryanteng ito, wala siyang sini-sino sa Padre Garcia dahil nakakapit daw siya kay PD.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA