Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NUISANCE CANDIDATE VS DISQUALIFIED CANDIDATE

$
0
0

MUKHANG maraming minamalas ngayong halalang 2016.

Kabilang sa mga minamalas sina Rizalito David at si Sen. Grace Poe.

Parehas na kandidatong Pangulo sina David at Poe pero parehas na sinuntok ng knockout ng Commission on Elections.

Diniskwalipay ng Comelec si David dahil sa pagiging nuisance o panggulong candidate lamang. Diniskwalipay rin ng Comelec si Sen. Grace dahil kulang umano ito ng rekisitos sa paninirahan sa mahal kong Pinas pagsapit ng halalang 2015, bukod sa hindi pagiging natural-born Filipino citizen nito.

SI DAVID

Sabi ng Comelec, bagama’t may trabaho si David na nagsabing isa siyang broadkaster, hindi umano sapat ang kita nito para mangampanya sa buong bansa.

Isa pa, malinaw na nagsinungaling umano ito nang sabihin ng kanyang Kapatiran Party na hindi siya inenderso bilang kandidatong Pangulo at kung ganu’n, magiging independent candidate lamang umano siya. At sa pagiging independent candidate nito, lalo umanong hindi nito kaya ang gumastos dahil napakamahal ang pangangampanya para sa posisyong Pangulo.

Nangangailangan ng nasa P2-bilyon ang isang kandidato para ito masabing makayanan nito ang mangampanya.

Hindi kasama sa sinasabi ng Konstitusyon na rekisitos para sa kandidatong Pangulo ang bilyon-bilyong pisong salapi na pondong pangkampanya pero ginawa ito ng Comelec.

Kung tama ang Comelec, marami ang nagdududa.

SI POE

Diniskwalipay si Sen. Grace dahil kulang umano ito ng nasa dalawang buwan ang kanyang paninirahan sa Pinas pagsapit ng Mayo 9 na araw mismo ng halalan.

Hindi pinakinggan ng Comelec ang katwiran nitong mahigit sa 10 taon na siyang naninirahan sa Pinas simula nang mamatay si Fernando Poe, Jr. na naging ama-amahan nito o umampon sa kanya simula nang mapulot siyang beybi sa harap ng isang katedral ng Simabahang Katolika sa Iloilo.

Ayon pa sa Comelec, hindi ring maituturing na natural-born si Poe dahil nga sa isa lamang siyang pulot na bata o foundling at walang nakatitiyak kung mga Filipono o dayuhan ang kahit isa man lamang sa kanyang mga magulang.

Sinabi ni Atty. Estrella Elamparo, pawang mga kasinungalingan umano ang mga pinagsasabi ni Poe sa Comelec nang mag-file ito ng kandidatura at pinaniwalaan ito ng Comelec.

Taliwas ang desisyon ng Comelec sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal na siya’y natural-born at naninirahan sa Pinas nang higit sa 10 taon.

POE VS DAVID

Heto ngayon ang labanan mismo nina Poe at David.

Si David ay natalo ni Poe sa kaso sa SET at umaapela ngayon sa Supreme Court na baligtarin ang desisyon ng SET.

Tanong: mananalo kaya si David laban kay Poe?

Kung magiging pinal na ang desisyon ng Comelec laban kay David bilang nuisance candidate, talo na nang tuluyan si David kay Poe sa labanan sa pagiging Pangulo ng Pinas.

Kapag pananalunin naman ng SC si David laban kay Poe, magiging pareho silang talunan.

Mag-antay na lang ang lahat sa magiging desisyon ng SC sa kaso ni David versus Poe. At kasamang antayin natin ang desisyon pa rin ng SC ukol sa magiging mga desisyon ng Comelec ukol sa diskwalipikasyon nito kay Poe.

Kung matatalo si Poe sa laban nito sa Comelec, tunay na ngang pantay na ang dalawang magkalaban.

Parehong talunan.

TUWA NI MAR

Siyempre pa, may mga kandidatong matutuwa sa pagkadiskwalipay kay David.

Unang-una na si Mar Roxas.

Akalain mo, kahit isa sa mga kulelat sa survey sa presidentiable si David, kabawasan na rin sa kanyang mga kalaban ito.

Ano nga ang malay natin na may pumili sa pagitan nina Mar at David at si David ang pinili?

Ngayon, maaaring si Mar ang iboboto ng mga maka-David na botante. Doble-talim at kambal ang pabor kay Mar.

Nadiskwalipay na si David, makakuha pa siya ng boto. Hehehe!

MAR VS POE

Hindi kaya inaantay rin ni Mar si Poe na madiskwalipay para mabawasan pa ulit ang kanyang kalaban?

Lalo’t nangunguna ito sa mga survey bilang Pangulo. Alalahanin na minsan nang kinompronta ni Poe ang kampo ni Roxas ukol sa pakiramdam niya na si Roxas ang nagpapadiskwalipay sa kanya.

Heto ngayon ang problema.

Kapag hindi kaagad na makapagdesisyon ang SC sa diskwalipikasyon ni Poe at nalista ito sa Comelec bilang kandidato, paano kung nanalo ito laban kay Roxas batay sa mga sarbey?

At kapag diniskwalipay matapos ang halalan si Poe, wala nang epekto ito kay Roxas dahil nakalibing na ito bilang talunan.

Basta kasi natalo ka sa halalan kahit na walang gamit na hokus-PCOS ang iyong kalaban, talo ka at hindi ka pupwedeng humabol na panalo.

Kailangan mo ang bagong halalan.

oOo
Anomang puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>