SA isang sulok ng malaking gusali, may nagpulong kamakailan. Ang adyenda ay simple, sino ang dapat na bagong uupo sa Malacañan?
Ang mga nag-usap, ilang opisyal ng rehimeng Aquino at mga dayuhan. As usual, “highly confidential” daw na may kinalaman sa May 2016 election.
Short cut, ang mga dayuhan ay “special operations” ng imperyalistang Amerika. Gusto nilang manalo bilang susunod na pangulo ng bansa ay yung kontrolado din nila katulad ng rehimen ni Aquino at mga nagdaan na administrasyon.
Pili, suri, sino. Sa huli, ang nanalo ay ang manok ng administrasyon, si Mar Roxas. Simple ang batayn ng pagpili. Kailangan ay maamo at masugid ng tagasunod sa luho ng Amerika.
Ang mga operatiba ng Central Intelligence Agency (CIA) ang magpapaikot ng ng “pagwasak” sa mga kalaban ng administrasyon.
Lamang, katulad ng sinabi ni dating Comelec chairman Sixto Brillantes, Jr., kahit ang pinakamababang nuisance candidate ang kalaban, hindi mananalo si Mar Roxas!
Matindi ang sinabing ito ni Brillantes. Alam natin lahat na siya ay kaalyado ng rehimeng Aquinop pero bakit ganoon ang kanyang prediksyon?
Kung ang batayan din ay ang social media, kulelat na malayo si Roxas. Sa isang kapulungan ng mga negosyante at propesyunal, wala din halos ang pangalan ni Roxas sa mga posibleng iboboto sa Mayo.
Sa bawat kanto’t sulok hanggang sa Kanto Tinio, walang Roxas na nabibigkas. Papaano ang sinasabi ni Aquino na malakas ang kanyang manok na nakausli ang ulo sa matuwid na daan?
Tahimik din ang kanyang partido tungkol sa nag-aalisan nila na kaalyado patungo sa kampo ng “mamamatay kriminal”.
Ang pampulitikang kasaysayan ng bansa sa larangan ng pulitika, hindi lingid na ang mga nanalo ay pawang pinili ng imperyalistang liderato ng Amerika.
Ke pumostura sila na makabayan, mas matindi ang basbas ng Amerika. Hindi lihim iyan!
Pero katulad nga ng mainit na damdamin ng bayan, ang mayorya ay naghahangad na ng tunay na pagbabago. Kesehodang mamamatay-tao at palamura, babaeo man o basagulero, ang gusto ng taumbayan ay totoong lider – sa salita, isip at gawa.
Sabi ng marami, si Roxas at walang isang salita, walang sariling programa ang kanyang isip at puro salita pero katulad ng kanyang bff sa Malacañan na wala ni isang matino na ginawa sa bayan.
Kaya papaano ipapanalo ng rehimen at CIA si Roxas kung ngayon na ang proseso ng botohan?
Kung sa pera, marami nga sila pero mukhang hindi na doon nakatingin ang mamamayan. Laban!
Sabi ng isang puti, “well, what are those PCOS machines for?” BALETODO/ED VERZOLA