Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BANTA SA KAPWA TAGA-MEDIA

$
0
0

NAMEMELIGRONG mapabilang sa mahabang listahan ng media killings ang isang kapwa taga-media kapag napatay siya ng killer na inupahan umano ng sindikato na kanyang binira sa programa sa radyo at column sa tabloid.

Isang kaibigang reporter daw ang nag-tip sa broadcaster/tabloid columnist na si Rex Cayanong na isa siya sa limang taga-media na ipaliligpit ng gambling lords at drug lords.

Pero higit pa sa sariling kaligtasan, ang ipinag-aalala ni Cayanong ay target din ng sindikato ang kanyang pamilya. May banta pa umano na kapag hindi nila napatay si Cayanong ay dudukutin nila ang kanyang anak.

Nang mapuna ni Cayanong na sinusundan ng riding-in-tandem ang kanyang sasakyan saan man kalsada siya dumaan at parang naghahanap ng tiyempo, ay natanto nito na mukhang may nagbabalak nga sa kanyang buhay.

Bilang pag-iingat ay ipina-blotter niya ito sa Taytay Police Station. Dumulog na rin siya sa Police Security Protection Group (PSPG) ng Camp Crame.

Bagaman hindi pa natutukoy ni Cayanong kung sino ang nagpapapatay sa kanya, naaalala nito na ang huli niyang binanatan sa programa ay ang pamamayagpag na drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP).

Pero posible rin daw na alkalde ito ng Metro Manila na sangkot sa droga, o si alyas “Doce” na kilalang gambling lord na namamayagpag sa Central Luzon, na pawang nakatikim ng kanyang pagbatikos.

Tinatawagan natin ng pansin ang PNP, NBI at ibang mga awtoridad na kumilos at arestuhin ang mga bumubuntot kay Cayanong bago pa mahuli ang lahat.

Kung sa mga naunang kaso ay wala kayong nagawa dahil naisakatuparan na ang pamamaslang, kay Cayanong ay may pagkakataon kayong pigilan ang krimen bago pa ito maganap, at hulihin ang nasa likod nito. Huwag niyo sanang aksayahin ang pagkakataong ito.

Huwag niyong hayaang humaba ang listahan ng napaslang na taga-media at ipakita sa buong mundo na ang seguridad na ipinatutupad ng gobyerno ay walang kakayahang protektahan ang buhay ng ating mga mamamahayag.

Totoo na maraming nababanatan ang mga taga-media sa programa sa radyo o telebisyon, at sa mga kolum sa diyaryo.

Pero ang lahat ng ito ay pwedeng sagutin sa programa o kolum kung saan sila nabatikos, nang hindi humahantong sa anomang karahasan.

***
SHORT BURSTS. Para samgakomento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>