Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LENI ROBREDO ANG MAY PINAKAMARAMING TV ADS

$
0
0

NAKATUTUWA naman itong si Administration Vice Presidential Candidate Leni Robredo sa kanyang mga pahayag noong bago pa siya pumayag na maging running mate ni Mar Roxas.

Kumakalat sa social media noon na mahirap lang siya, na kesyo naka-bus lang siya ‘pag umuuwi sa kanilang bahay galing sa opisina.

Pa-humble effect at akala naman niya’y maniniwala sa kanya ang tao. Sabi nga ng isa sa kanyang staff, kung sasakyan ay may mga sasakyan naman daw itong si Leni at hindi naman daw itong mukhang mahirap.

Sa katunayan daw ay sunod naman sa layaw ang kanyang mga anak.

Kung totoong sinasabi ni Madam Leni Robredo na wala siyang pera, bakit siya itong may pinakamaraming ads sa telebisyon? Sinasabing sa loob ng 40 segundong ads sa TV ay nagkakahalaga ito ng P500 – P800 thousand at sa loob ng isang araw ay hindi lang 10 beses pinalalabas ang ads nitong si Robredo sa lahat ng channel.

Tanong tuloy ng marami: Saan kumukuha ng pambayad sa TV ads ang kampo nitong si Robredo? Marami ang nagsasabi na ang Liberal Party raw ang nagbabayad ng ads nito.

Eh, saan ba galing ang pera ng Liberal Party?

Kayo na po ang sumagot niyan kung saan galing ang ipinambabayad ng ads ni administration vice presidential candidate Leni Robredo.

PNOY VS MIRIAM

Matutuloy kaya o pumayag kaya si Pangulong BSA3 sa debateng hamon ni presidential candidate Miriam Defensor-Santiago?

Ito ang aabangan at hihintayin ng publiko para magkaalaman kung sino ang mananaig sa dalawa. At kung sakaling matuloy man ang nasabing debate, ano kaya ang mangyari?

Sino kaya ang mananaig at sino ang magmumukhang katawa-tawa at kawawa?

Hindi kaya lalong makalbo at bumula ang bibig ng Pangulo ‘pag bumira na ang senadora? Hmmmm, hihintayin ko ‘yan.

Kung atin pong natatandaan, sinabi ni Pangulong BSA3 sa isang interview sa Italy na “ang isa, daraanin lang daw ang kampanya sa social media.”

Siguro po hindi siya mulat na hindi ka makapagtatayo ng kalsada at makapagpakain ng nagugutom gamit lang ang Facebook.

Bagama’t hindi binanggit ang pangalan ng senadora ay alam na alam ng lahat na ito ang tinutukoy niya.

Naniniwala naman ang senadora na hindi siya ang tinutukoy ng Pangulo dahil kung nagkataon na binanggit nito ang pangalan ng senadora, tiyak magliliyab ito sa galit.

Dasal ng marami na sana ay matuloy ang paghahamon ng senadora na debate kay Pangulong BSA3. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>