Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAS KAILANGAN KA NG MARIKINA!

$
0
0

HINDI pa ako dapat uuwi sa pagbantay sa nanay ko sa Intensive Care Unit ng Dagupan Doctors Villaflor Hospital. Kasama ko ang kuya ko na galing Dubai at dapat ay ilang araw kaming nakatoka. Isang buwan na kasing comatose ang nanay ko mula sa isang massive stroke.

Habang andun kasi ako sa tabi niya sa loob ng ICU ay nagpasukan na ang text inquiries ng mga kasama natin sa media tungkol sa preparasyon ng Marikina para sa bagyong Nona.

Unang nag-text si Jimmy Mendoza ng DZAR Sunshine Radio, “Boss Paulo, naka alert na ba ang Marikina Rescue?” Sinagot ko agad si Bro. Jimmy at sinabing nasa Pangasinan ako at wala sa Marikina. Kinuwento ko agad ito sa mommy ko na bagama’t comatose ay patuloy naming kinakausap para ma-stimulate ang brain.

Nagsunuran na rin ang ilang text mula sa reporters sa diyaryo, radyo at telebisyon. So balak kong sagutin sila isa-isa na wala ako sa Marikina hangga’t sa naalala ko ang sinabi sa akin ng mommy ko noong Oktubre.

“Okey lang, anak. Mas kailangan ka ng Marikina.” Ito ang sagot niya sa pagsasabi ko sa kanya na hindi ko muna sila mabibisita sa Alaminos, Pangasinan dahil sa paparating na bagyong Lando. Nangako kasi ako sa kanila na bibisitahin ko sila kada buwan mula nang mag-relocate sila sa aming hometown galing sa Marikina.

Bigla akong naluha nang ma-realize ko ang mensaheng ito ng aking ina. Ito ay paalala na maging tapat sa ating responsibilidad, lalo na kung marami ang umaasa sa ating pagganap nito nang tama.

Well, ganu’n naman ang mga magulang. Lalong-lalo na ang ating mga ina na sanay sa pagsasakripisyo ng sarili para lang sa ating ikabubuti.

Agad-agad akong nag-text sa aking mayor, Del R. de Guzman, at sa aking mga kapwa Public Information Officers ng 17 siyudad ng Metro Manila para sabihan na paluwas na ako ng Marikina at magtimbrehan na lang kami tungkol sa aming mga announcement tungkol sa bagyong Nona.

Sa unang pagkakataon ay hindi ako nalungkot sa sandaling iyon na iniwanan ko ang mommy ko dahil ito ay bilang pagsunod sa kanyang kagustuhan. ABISO/PAUL EDWARD P. SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>