Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAPAKAN NA LANG, ‘WAG NAMAN SAMPALAN

$
0
0

PINATULAN ng isa’t isa ang salitang ‘sampalan’ sa pagitan ng mga edukadong tao na sina Digong at Mar.

Nawala sa katinuan itong si Mar nang makarating sa kanya na sasampalin daw siya nitong si Digong na dati nang wala sa katinuan ang isip. Ibinaba ni Mar ang kanyang pagkatao sa babaw ng pagkatao ni Digong.

Ang nakakahiya rito ay ang hamunan ng sampalan ng dalawang buwang na ito samantalang maging ang mga kababayan natin na mga bakla ay lumalaban ng suntukan kapag napapalaban.

‘Yung isang kaibigan ko nga na bakla ay hindi pwedeng alipustahin ng sinomang nagmamagaling na brusko dahil tiyak na sapak sa nguso ang aabutin ng mga ito – hindi sampal.

Pero ang dalawang sina Mar at Digong ay sampalan ang gustong laban. Aba’y sana ay sinamahan na lang ng sabunutan para kumpleto na ang rekados ng isang labanang bebot.

o 0 o

PARANG GUSTO KO NANG MANIWALA SA PNP

Kabila-kabila ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga sa buong bansa. Isang malinaw na palatandaan na may direktiba na nanggaling sa itaas – PNP Headquarters.

Dalawa ang tingin ko rito, pwede kayong sumang-ayon o piliin sa dalawang anggulo. Una: Galit sa droga ang liderato ng PNP ngayon o ikalawa: mga nabukulan noong araw ang liderato ngayon ng PNP.

Kung galit sa iligal na droga ang pamunuan ngayon ng PNP ay tiyak na walang-humpay ang operasyon laban dito kahit na palung-palo na ang mga iligal na pasugalan sa buong bansa. Pogi ang PNP sa droga, pantakip sa pasugalan!

Ang ikalawang anggulo ay noong mga junior officers pa lang ang pamunuan ngayon ng PNP. Marahil ay kasama sila sa tongpatz sa iligal na droga noon pero hindi sila kasali sa biyakan kaya naghihiganti sila ngayon.

Pero ano’t anoman ay panalo pa rin ang taumbayan sa operasyon na ito ng PNP laban sa iligal na droga kahit malinis man o marumi ang kanilang intensyon o motibo. Sana lang ay walang ‘recycle’!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>