Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUKAS NA LIHAM NI MAYOR OCA SA KABATAAN

$
0
0

HINDI man kumpleto dahil sa kakulangan sa espasyo, minarapat ng inyong lingkod na mailathala ang ilang bahagi ng ‘bukas na liham’ ni Caloocan Mayor Oca Malapitan sa mga kabataan na future leader ng lungsod at bansa. Eto:

“Bilang inyong Punong-Lungsod at Chairman ng Board of Trustees ng University of Caloocan City, may tatlo akong mensahe sa inyo.

“Una, ang aking 15-year City Development Plan para sa lungsod at ito ay tatawagin kong #Caloocan2030: The Livable City Plan. Pangalawa, ang pangarap kong papel ng kabataan ng Caloocan sa #Caloocan2030: The Livable City Development Plan at ang pangatlo, ang aking payo sa inyo bilang mga kabataan ng Caloocan.

“Noong 1973 o 42 years ago, ang lungsod ay mayroon lamang 274,453 na population. Ngayong 2015, ito ay nasa 1.5-million. Ibig-sabihin, sa apat na dekada, nagdagdag tayo ng 1.2-million na katao sa ating lungsod, o kaya 300,000 na dagdag na mga mamamayan sa bawat 10 taon.

“Sa taong 2030 o 15 years mula ngayon, ang ating city population ay magiging 2.2-million na!

“Eh, papaano kung hindi kayo maging produktibo pagdating ng tamang panahon o sa taong 2030? Siyempre, kulang ang buwis. Pasanin pa kayo ng gobyerno. Problema kayo ng pamilya ninyo. Hindi ninyo matutulungan ang inyong mga anak. Ang iba marahil ay nasa kriminal na gawain pa, mabuhay lamang ang pamilya.

“Maraming naging lider ang ating lungsod na puro papogi lang. Walang maliwanag na pangarap para sa lungsod sapagkat hindi naunawaan ang mga paparating na suliranin.

“Maraming naging lider sa ating lungsod ang walang nagawang konkretong accomplishments sapagkat walang mahusay na plano. Puro pamumulitika lang, paninira sa kalaban, pamumudmod ng salapi, puro lang pakaway-kaway, puro lang pangiti-ngiti, puro lang patapik-tapik.

“Bakit ba ako ay nagtitiyagang magpaliwanag nito sa inyo? Sapagkat kayo ang pagkukunan ng malaking pwersa sa pagbabago sa susunod na 15 taon at higit pa. Sapagkat kayo ang susunod na barangay officials, mga local at national officials, business leaders o managers.

“Kailangan ninyong malaman ang roadmap ng ating lungsod at ibahagi ito sa inyong mga kaklase, kapamilya, kabarangay at mga ka-organisasyon ninyo. Higit sa lahat, kailangan din ninyong ipaglaban ang city government na ang namumuno ay may maliwanag na plano para sa kinabukasan ng ating lungsod. Kailangan ninyong ipaglaban ang liderato ng lungsod na may maliwanag na track record at accomplishments sa maikling panahon.

“Sana’y manatili kayong buo at nagkakaisang ipaglaban ang isang administrasyon ng lungsod na kapaki-pakinabang, nagsusumikap na maitatag ang isang livable at sustainable city.”

Time for a break. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Henry el monstruo feliz para colorear e imprimir


Dama y vagabundo para pintar


Girasoles para colorear


Good Morning Quotes


RE: Mutton Pies (jameskoiman)


Hagibis (1946) by Francisco V. Coching


Ka riam ka beit bad ka por riam


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.6.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.42.1 by Vimeo Inc



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>