Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AQUARIUS MASSAGE CLINIC FRONT NG PROSTITUSYON

$
0
0

GUMAWI tayo sa Calamba, Laguna at ating puntahan ang Aquarius Massage Clinic na sinasabing front ng prostitution sa nasabing lalawigan.

Ibang klase ang serbisyong ibinibigay ng mga massage attendant sa mga nagpupuntang na kani-kanilang mga kostumer.

Dahil hindi lang masahe ang ibinebenta ng massage clinic na ito kundi ang pakikipag-sex ng mga massage attendant sa kanilang mga kostumer kaya maraming mga kalalakihan ang nawiwiling na magpunta sa nasabing massage clinic.

Ang matindi pa rito,open ito ng 24 oras na halos mga menor-de-edad ang mga sex worker dito kaya kinalolokohan na puntahan ito ng mga kalalakihan araw-araw.

Malakas ang may-ari ng massage clinic na ito sa mga mayor kaya patuloy ang pag-o-operate nito kahit front ito ng prostitution.

Ang siste pa rito,kaya hindi hinuhuli ang massage clinic na ito ay dahil kuntodo guwardiyado pa ito ng pulis na kinilalang si PO3 Vernas.

Ang kabigatan pa sa massage clinic na ito ay ilang metro lang ang layo ng mga eskuwelahan sa nasabing massage clinic.

Ano ang ginagawa ni Laguna Provincial Director Supt. Florendo Saligao?

E, ano pa, tanong ninyo na lang sa tong-collector ni Supt. Saligao na si PO2 Joseph Natividad, pulis-Batangas.

MAY PATONG NGA BA ANG MGA ITO?

Sa lalawigan naman ng Taytay, Rizal ay namamayagpag naman ang mga video-karera (VK) ni Jun Mata.

Walang ginagawa si Taytay Mayor Janet Mercado para ipatigil nito ang mga VK na inilatag ni Jun Mata sa Taytay.

Ayokong maniwala na may ‘patong’ si mayora sa mga makina (VK) ni Jun Mata kaya hindi ito hinuhuli.

Maging si Rizal PD Supt. Bernabe Balba ay tila nagbubulag-bulagan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Henry el monstruo feliz para colorear e imprimir


Dama y vagabundo para pintar


Girasoles para colorear


Good Morning Quotes


RE: Mutton Pies (jameskoiman)


Hagibis (1946) by Francisco V. Coching


Ka riam ka beit bad ka por riam


Vimeo Create - Video Maker & Editor 1.6.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.42.1 by Vimeo Inc



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>