Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

3M BOTANTE SISIBAKIN; DAYAAN SA 2016 BANTAYAN

$
0
0

NAGPASYA na ang Supreme Court pabor sa patakarang No Bio-No Boto laban sa mga wala nito kaugnay ng halalang 2016.

Unanimous o nagkakaisa ang 15 Hukom ng SC sa pasya nila na pairalin ang nasabing patakaran.

3M BOTANTE MASISIBAK NA

Ibig-sabihin ng desisyon ng SC na ang halos tatlong-milyong botante na nakarehistro ngunit walang biometrics ay mabubura na sa listahan ng mga botante sa 2016.

Sa susunod na halalan na lang sila makaboboto…kung may biometrics na sila. ‘Yan ay kung iiral pa ring ang batas para sa No Bio-No Boto.

Kabilang sa mga rekisitos ng biometrics ang pagkakaroon ng litrato ng gaya sa litrato sa driver’s license at nakarekord ito sa Commission on Elections at may kasamang fingerprint.

Dahil kompyuter ang kikilala sa isang botante at hindi ng kanyang mga kakilala sa presinto sa oras ng botohan, diyan magagamit ang biometrics.

Kung may biometrics ka, ang ngalan mo ay nakalista na sa masterlist na nakapaskil sa labas ng presinto, nakalista ka pa sa kompyuter.

IPINAGLABAN

Maganda ring ipinaglaban nina Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon ang karapatang bumoto ng mga rehistrado ngunit walang biometrics. At katunayan, kahit may desisyon na ang SC, magsasampa pa rin sila ng motion for reconsideration sa pag-asang babaligtarin ng mga Hukom ang kanilang posisyon.

Anong malay nga natin na babaligtad ang mga ito nang unanimous o mayorya? Dahil nagaganap naman ang pagbaligtad ng SC kung may magandang dahilan batay sa batas at mga ebidensya.

Kung ano ang magaganap sa motion for reconsideration ay walang nakatitiyak. Pero ang kagandahan talaga ng laban sa patakarang No Bio-No Boto ay upang malinawan ang kalagayan ng batas para rito.

Ang batas ay naaayon sa paggamit ng kompyuter sa pagboto para sa mabilis na botohan at para maiwasan ang dayaan sa halalan.

Sa normal na kalagayan, tama naman ang halalang electronics dahil mabilis na lumabas ang resulta ng halalan.

Pero sa dayaan sa halalan, kuwestyunable ang epekto nito…kung maganda o nakasisira sa karapatan sa pagboto at pagpili ng mga taong iluluklok sa puwesto para pagsilbihan ang sambayanan.

HOKUS-POKUS

Hanggang ngayon, may multo sa mga nakaraang halalan simula nang pairalin ang electronic voting.

Sa laban nina Pangulong Noynoy at Pang. Erap Estrada noong 2010, nagkaroon ng mga malalaking katanungan kung may dayaan o wala sa paggamit ng electronic voting.

Sa Kongreso na roon isinagawa ang canvassing ng mga boto, anak ng tokwa, nagkaroon umano ng nasa 4,00 CF Card ang mga Precinct Count Optical Scan na naging kwestyunable.

May laman umanong nasa apat na milyong boto iyon na dapat binilang ngunit hindi na pinansin dahil naghahabol umano ng araw ang Kongreso o ‘yung mga senador at kongresman para sa palitan ng bagong Pangulo ng Pilipinas at ng dating Pangulo sa tamang panahon.

Ala-AlDub ba?

‘Yun bang === lalayas ang luma sa huling araw ng Hunyo at magsisimula namang manungkulan ang bago sa Hulyo 1, ayon umano sa Konstitusyon.

MANANATILI ANG MULTO

Ang pag-unawa natin sa kasong laban sa electronic voting ay talaga namang may batayan kung isasama ang mga reklamo sa pandaraya.

May mga bansa na nga umanong bumalik sa mano-manong halalan mula sa botohan sa bisa ng kompyuter dahil nga sa pandaraya rito nang hindi namamalayan ng mga mamamayan.

Sa mano-mano na botohan, kahit man lang sa antas ng mga presinto, kitang-kita ang resulta ng halalan sa rami ng mga bantay o watcher sa binibilang na mga balota.

Sa electronic voting, kapag may sariling laman ang CF Card at hindi ‘yung mga boto ng mga botante, ‘yun ang lalabas na mapanonood o masasaksihan ng mga watcher.

Hanggang doon na lang.

Kapag nag-brownout o nag-blackout sa presinto at dumating ang resulta ng halalan sa munisipyo o lungsod, maaaring iba rin ang resulta dahil napakadaling palitan ang CF card na may lamang boto na kaiba sa boto ng mga botante.

MANANALO ANG MGAY KONTROL

Kung iisipin nang husto, mga Bro, kung sino ang may kontrol sa Comelec at kung sino ang may kontrol sa PCOS o anomang makina na pambilang ng boto, sila ang mananalo.

Ito ang simpleng mensahe ng mga kumukuwestyon sa electronic voting.

Ibig-sabihin niyan, alang kwenta ang pagboto ng mga botante dahil ang lalabas na boto sa mga makina ay ‘yung mga isinubo ng mga taga-Comelec at may-ari o may kontrol ng mga makina sa pagboto.

Sana naman, totoong magiging malinis at walang dayaan sa botohan para maiwasan ang gulo na maaaring walang makakontrol.

o0o
Anomang puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>