Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALABAN SI INDAY

$
0
0

SA puso ng isang ina, hindi man totoong anak niya, handa niyang ialay ang sariling buhay para sa anak na siya ang kinilalang ina na nagpalaki at gumabay sa tamang asal.

Iyan ang inaasahang gagawin ng aktres na si Susan Roces alias Inday para sa kanyang kinikilalang anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares.

Nagdurugo ang puso ni Manang Inday sa ginagawang pangwawarak sa kanyang anak na si Grace na kulang na lang ay sa kanya nanggaling sapagkat hindi biro ang pagmamahal, pagkalinga at oras na ibinuhos niya rito at ng kanyang namayapang asawang si “King of Philippine Movies” Fernando Poe, Jr. kaya’t hindi siya papayag na magapi ito ng kaaway na walang kalaban-laban.

Sa ginagawang panggigipit kay Sen. Poe ng kanyang mga ‘di nagpapakilalang kalaban, hindi pupwedeng mananahimik na lang si Manang Inday.

Humanda ang kalaban ni Poe na gumagapang talaga upang mawala ang hadlang sa kanyang daraanan upang makamit ang pinakamataas na posisyon sapagkat sa panggigipit nila kay Poe ay baka si Inday ang kanilang makabangga sa halalan.

Aba baka magulat sila na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang hatak sa tao at charisma nitong si Manang Inday.

Maghanda sila kapag napikon sa kanila ang isang inang malaki ang respeto at paniwala na maiaahon ang Inang Bayan sa kahirapan ng kanyang inarugang anak.

Kapag si Susan Roces ang pumalit (kung pwede) kay Poe kapag natuloy ang disqualification ay tiyak na sa kangkungan sila pupulutin at mangangamote sila sa botong makukuha ni Manang Inday hindi lang dahil sa mga tagahanga niya kundi ‘yung simpatya sa kanyang minamahal na anak na si Grace. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Best Inspirational Love Quotes Collection


5 Tagalog Relationship Rules


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>