Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISANG PANAWAGAN KAY JANET TANSIAO

$
0
0

GNG. Janet Tan Siao, alam mo bang pahirap nang pahirap ang buhay ngayon kahit umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas?

Sana naman ay bawiin mo ang desisyon mong tanggalin ang 36 manggagawa sa Victoria Manufacturing Corporation na nasa kahabaan ng Ortigas Extn., Cainta.

Hindi naman makatarungan at makatao na tanggalin ang mga ito nang walang makabuluhang dahilan.

Gng. Siao, maling-mali ang desisyon mo kung ang gagawin mo lang ay palitan ng iba ang mga tinanggal para mas mababa ang maging pasahod mo sa kanila. ‘Union busting’ at ‘contractualization’ ‘yan.

Gng. Siao, ang pagkakaroon ng negosyo ay hindi lang usapin ng pagyaman kundi pagkakaroon ng malasakit at puso sa mga manggagawa.

Tandaan palagi na ang pagnenegosyo ay hindi nagsisimula at nagtatapos sa pagkakaroon ng maraming kita/tubo ng kapitalista, kundi dapat ibinabahagi rin ng kapitalista ang kita/tubo sa mga manggagawa na siyang tunay na kumilos at nagpakahirap para magkamal ng kita ang kapitalista at umunlad nang husto ang negosyo.

Gng. Siao, kung ang pananaw natin sa pagnenegosyo ay magkamal lang ng kita/tubo at solohin ito sa lahat ng pagkakataon, nangangahulugang pera lang ang nasa isipan at puso n’yo—hindi kasama ang mga taong naghirap upang kayo ay yumaman at umunlad ang kompanya n’yo.

Kaya, Gng. Janet Siao itigil mo na ang ‘union busting’ at ‘contractualization’.

TIANGCO: ‘DAPAT PRODUKTIBO ANG MGA MANGINGISDA’

Nagbigay ng P700,000 ang Department of Trade and Industry sa Pamalaang Lungsod ng Navotas na inilaan naman ni Mayor John Reynald Tiangco sa 400 maliliit na mangingisda ng lungsod.

Ang naturang halaga ay pondo sa isasagawang mga pagsasanay para sa mga mangingisda dahil gusto ni Mayor Tiangco ay maging produktibo ang nasabing sektor.

Ang pagsasanay ng mga mangingisda ay bahagi ng programang “Navotaas Hanapbuhay Center” ng administrasyong Tiangco.

Hayan, alam natin kung saan inilaan ni mayor ang P700,000.00 ng DTI.

ANG LIBRENG KASALANG BAYAN

Higit 400 magkasintahan ang ikinasal sa Lungsod ng Caloocan kamakailan na mismong si Mayor Oscar Malapitan ang nagkasal.

Idinaos ang ‘Kasalang Bayan’ sa Buena Park Sports Complex na pinaganda ng administrasyong Malapitan.

Masayang-masaya ang mga bagong mag-asawa sa ginawa ni Mayor Malapitan kasi bukod sa libre lahat ay dumating pa si Coco Martin.

Sayang wala ako, e ‘di mas masaya sana. Joke lang po!

XXX
Problema at reaksyon n’yo, tawag sa: 09985650271, o mag-email sa: sulongbade@yahoo.com, o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>