Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAD NEWS MULA SA MANILA WATER

$
0
0

ANG pamilya Ayala ay isa mga multi-bilyonaryong Filipino. Napakarami nilang kumpanya sa Pilipinas, ngunit hindi lahat ito ay kumikita.

Ang isa sa pag-aari ng pamilya-Ayala na Manila Water Company, Inc. (MWCI) ay nalulugi raw, ayon sa mga namamahala nito. At ang lugi nito ay aabot sa P79-bilyon mula ngayong 2015 hanggang 2037.

Upang mabawi ang P79-bilyong ikalulugi ay ipinarating na ng Manila Water sa administrasyong Aquino na kailangang bayaran ng gobyerno ang lugi ng nasabing kompanya alinsunod sa kasunduan ng kompanyang pag-aari ng pamilya-Ayala at ng pamahalaan.

Nakasaad daw sa kasunduan na kung sakaling malulugi o lugi ang Manila Water ay sasagutin/babayaran ito ng pamahalaan kahit gaano pa man ito kalaki. Ginawa ito ng pamahalaan dahil hindi naman galling sa kanya ang ipambabayad sa Manila Water at maging sa Maynilad kung malulugi man ito. Ang ipambabayad sa Manila water ay perang galing sa buwis ng mamamayan.

Kaya, kawawa at luging-lugi rito ang mamamayan, partikular na ang mga nakakonekta ang tubig sa Manila Water. Sa bandang huli, kitang-kita na hindi lugi ang Manila Water at maging ang Maynilad nang pasukin nila ang negosyong tubig.

CUBAO NA NGA LANG, PALPAK PA!

Sabi ni Mayor Rodrigo Duterte, pang-Cubao lang si Mar Roxas. Ang punto ni Duterte ay hindi pa maaaring maging pangulo ng Pilipinas si Roxas dahil wala sa kalibre at kapasidad nito ang mamuno at mamahala mula Batanes hanggang Jolo.

Pero maling-mali si Duterte na isalarawan si Roxas na pang-Cubao lang sapagkat kahit maliit na lugar na ito sa Lungsod Quezon ay palpak ang nasabing nag-aambisyong maging pangulo ng Pilipinas.

Ang Cubao, partikular ang Araneta Center, na teritoryo ni Roxas ay konkretong repleksyon ng napakaruming lipunang Filipino. Kitang-kita sa lugar na ito ang samu’t saring suliranin ng bansa tulad ng mababang pasahod sa mga manggagawa, kontraktuwal na mga manggagawa, mga namamalimos sa bangketa, mga pulubing nakatira sa bangketa, mga batang humihigop ng rugby o solvent, mandurukot, palpak na mga pulis na umiikot sa mga bahay-aliwan sa Cubao, matrapik, nagkalat ang mga menor-de-edad na nagbebenta ng aliw tuwing gabi, at marami pang iba.

Ang talamak na mga suliranin ng Cubao ay hindi naresolba at natanggal ni Roxas. Cubao lang, pumalpak pa si Mar Roxas. Kaya, kung ako ang tatanungin kung karapat-dapat na maging pangulo ng bansa si Mar Roxas, isang malaking hindi ang sagot ko!!! Tiyak, ganito rin ang sagot ng napakaraming tao.

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa sulongbade@yahoo.com o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>