Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CAYETANO, UMAASTANG SIGA PERO HINDI NAMAN

$
0
0

YUMABANG na si Sen. Alan Cayetano at tila umaastang isang maton simula nang maging running mate niya si Davao City Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Ang dating graduate ng Ateneo na maituturing na malumanay at hindi makabasag ng pinggan, ngayon ay isa nang “brusko” at pa-macho.

Sinabi ni Cayetano na kung mahahalal sila ni Digong, pabababain nila sa kalahati ang crime rate ng bansa sa pamamagitan ng agresibong law enforcement. Ang epal talaga, noh! Gustong gayahin si Digong, e ‘di naman bagay sa kanya dahil sa pagmumukha lang niya ay makikita mong anak-mayaman ito at hindi maaaring gawin ang ginagawa ni Digong na mala-barako ang dating.

Eto pa ang kayabangan ni Cayetano. Kesyo wawalisin nila ang kriminalidad sa bansa, lalo na ang iligal na droga, trafficking sa pagkaupo pa lang nila. E, hindi lang pala epal ang mamang ito kundi mayabang din! Maipagmayabang lang siya na kayang-kaya niyang sabayan ang ka-tandem niya kaya kung ano-anong bruskong statement ang ipinalalabas nito sa kanyang tanggapan sa Senado.

Kung sana ay noon pa lang ay nagtrabaho na siya nang husto sa Senado para maisabatas ang epektibong batas laban sa mga katiwalain, kahit wala si Digong sa buhay niya, ay hindi magiging malala ang krimen sa bansa!

Bakit kailangan pa niyang maghintay ng isang Digong para umastang siga siya gaya ni Asiong Salonga ng Tondo? Hehe.

Ilang beses na nga bang sinabi ni Cayetano na “Filipinos are tired of rampant crime and corruption in the government. E, simula pa lang noong congressman siya ay ganyan na ang kanyang style. Porke ba ka-tandem niya si Digong, eh, magtatapang-tapangan siya? Ay naku, Cayetano.

Pwede ba, Cayetano, huwag ka nang sumakay sa propaganda ni Digong. Gumawa ka ng sarili mong slogan para paniniwalaan ka naman ng taumbayan.

Baka akala ni Cayetano na ‘pag ginaya o sinabayan niya si Digong ay matatakot ang mga kriminal sa kanya gaya ni Digong at aangat ang kanyang rating sa mga survey sa pagsakay sa propaganda ni Digong!

Ay naku, Cayetano….

***
Anomang reklamo o puna i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>