NAKU, mahigit pala sa P3-milyon ang naibubulsa ng operator ng bookies ng STL sa Lipa City at ang mga nakikinabang nang todo-todo ay ang mga police at ilang tiwaling politiko kaya dapat lang na magkakasamang kasuhan at ikalaboso ang mga ito.
Ang operator ng bookies ay si Florence Macasaet ng Bgy. 7, Poblacion Lipa City na kapangalan ng nagpapakilalang tong-collector daw ni Lipa City Police C/Supt. Barnard Dasugo. Sa halip na violation of Anti-Gambling Law ay dapat ay asuntuhin din sila ng Large Scale Estafa dahil sa pandaraya sa pamahalaan.
Ang malupit pa nito, pati ang malinis na pangalan ni Region 4-A Director C/Supt. Richard Albano ay ginagamit ni Macasaet tuwing may dumarating na miyembro ng Lipa City Police Mobile Bureau na magdedelihensiya ng panggasolina sa kanya araw-araw sa kanilang rebisahan ng kubransa sa kanyang bookies o jueteng den sa tabi lamang ng PLDT sa Lipa City Proper.
Daig pa ng laging pista sa Bgy. 7 tuwing mag-aalas-11:00 ng umaga, 4p.m. at 8p.m. ‘pag malapit na ang “putok” o ang pagbobola ng madayang sugal na PCSO sponsored Small Town Lottery sa Batangas.
Hindi maiiwasang magkagulo tulad sa peryahan sa harap ng rebisahan ng bookies habang nagre-remit ang mga malalaking kabo ng bookies na sina Dakoy at Edmund, kapwa ng Bgy. 3, Poblacion, Lipa City at Kap. Fonteng Bgy. 7 sa bahay ni Macasaet.
Kaya tuloy nagkakatarapik-trapik at nagiging tambayan din ng mga pusher at drug adik ang rebisahan ni Macasaet dahil karamihan sa kubrador nito ay mga lulong sa ipinagbabawal na droga at shabu.
Paging PNP chief Gen. Ricardo Marquez at SILG Mel Sarmiento, pakilansag nga po ang untouchable na bookies ng STL ni Florence Macasaet.
UNTOUCHABLE NA MGA VK SA CALAMBA
Sa Calamba, Laguna, patuloy pa rin ang operasyon ng mahigit sa 200 unit ng video-karera na inilatag ni Rico ng Tanay, Rizal na kung saan ay ginagawang gatasan ng mga kapulisan ng Region 4-A at ng provincial director.
Wala kasing ipinangangalandakan si Rico kundi kaibigan at malakas siya kay Region 4-A R2 C/Supt. Dionesio Bartolome kaya smooth na smooth ang operasyon ng mga makina nito.
Ano ba ito PD Supt. Florendo Saligao?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
