Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KRISIS SA LANGIS AT OFW AKSYUNAN, NOW NA!

$
0
0

ANO-ANO na ba ang mga paghahanda ng ating pamahalaan sa napipintong pagkadiskaril ng buhay ng daan-daang libo, kundi man milyong overseas Filipino worker sa Gitnang Silangan?

Tinatanong natin ito dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng mga Arabong bansa sa nasabing rehiyon ng mundo na kinatatagpuan ng tinatayang tatlong-milyong OFW?

Bumabagsak ang ekonomiya ng mga Arabong bansa dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa mundo na kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Bagsak ang presyo ng langis dahil sa sobrang suplay nito, paghina ng benta ng Organization of Oil Exporting Countries at posibleng pagguho ng OPEC dahil sila-sila ay nag-aagawan na mapagbebentahang merkado.

‘DI LANG SAUDI

Kahapon ay tinalakay natin ang mabilis na pagbagsak ng ekonomiya ng Saudi Arabia dahil sa nasabi nang kadahilanan.

Pero ngayon, ramdam na rin ang pagbagal o pagbagsak ng ekonomiya ng iba pang mga Arabong bansa gaya ng United Arab Emirates, Qatar, Kuwait at Bahrain na kabilang sa 10 Arabong bansa na paboritong pinupuntahan para magtrabaho ng mga OFW.

May 800,000 – 1.5-milyong OFW sa Saudi lamang. Paano ang malaking bilang din na nagtatrabaho sa iba pang Arabong bansa na nabanggit na natin?

Heto ang kabuuang bilang ng mga OFW na lumuwas sa iba nitong 2014 – 852,635 at pinakamalaki ang nagpunta sa Saudi sa bilang na 402,837.

‘Yung 246,511 ay nagpunta sa UAE habang ‘yung 114,511 naman ay sa Qatar at ang ibang OFW ay kumalat na sa iba pa.

SEAMEN DIN

Ayon naman sa United Seafarers of the Philippines, may mga oil rig na ring nagsasara hindi lang sa Gitnang Silangan kundi sa iba pang mga bansa at humina na rin ang pagbiyahe ng mga barko o tanker ng langis.

Kwento ni Nelson Ramirez, pangulo ng USP, nadidiskaril na rin ang empleyo ng mga seaman at may mga kompanya o bansang may-ari ng mga tanker ang nagbabawas na ng pasahod sa mga seaman.

Hindi naman malayong mangyari na may masisibak din sa trabaho na mga seaman kung patuloy ang krisis sa langis.

MAGBABAWAS NA TALAGA

Nagsasalita na ang Saudi Arabia ukol sa empleyo ng mga dayuhan nilang obrero.

Sabi ng pamahalaang Saudi, nagkakaroon na sila ng sapat na bilang ng mga mamamayan na may kakayanang gampanan ang mga patrabaho sa gobyerno at kumpanyang pribado.

Kung mayroon man silang ititira, tanging ang mga dayuhang makagampan ng mga trabahong hindi pa kaya ng mga ordinaryong obrero nila.

Kasabay ito ng pagsasabing titipirin na nila maging ang kanilang mga mamamayan sa subsidyo sa petrolyo, kuryente, tubig at iba pang bagay.

Anak ng tokwa, hindi malayong susunod sa mga patakarang ito ang iba pang mga bansa sa Gitnang Silangan at tiyak na puputok ito sa ating mga OFW.

SAAN SILA ISASAKSAK?

Halimbawang magkakaroon nga ng maramihang sibakan sa trabaho ng mga OFW sa mga Arabong bansa at iba pa gaya ng mga seaman, saan isasaksak na trabaho sa bansa ang mga ito?

O kaya, saang bansa pupwedeng ipadala ang mga ito para manatili silang naka-empleyo kung walang nakahandang empleyo sa Pinas.

Nakapanghihinayang na magiging kontraktuwal lang ang mga ito dahil sa kanilang natamong karanasan, katalinuhan at kasanayan at lalong masakit kung magiging tambay lang ang mga ito.

PAMILYANG OFW

Gaano ba karami ang mga pamilya o Pinoy, mga Bro, na madidiskaril din ang buhay kapag nagkaproblema ang mga OFW sa kanilang mga padala? Lalo na kung masisibak sa trabaho ang kanilang mga OFW?

Paano ang mga pag-aaral ng mga bata, ang pagpapagamot sa kanilang mga maysakit, ang hulugan nilang mga tahanan at hanapbuhay gaya ng mga sasakyang panlupa o pandagat, ang mga hulugan nila sa pagpapagawa ng mga tahanan, ang pagkain at iba pa?

Tiyak na milyon-milyong miyembro ng mga pamilya OFW ang maaaring magutom, mahirapan at mamalasin talaga.

GOBYERNO RIN

Mismong gobyerno natin ay mamalasin din sa pagkadiskaril ng buhay ng mga OFW.

Sa ngayon, nasa $23-bilyon taon-taon ang halaga ng padala ng kabuuang OFW na nasa 13-milyon at katumbas ito ng nasa P1-trilyong katlo ng pambansang badyet natin ngayong taon.

Nabubuhay ang gobyerno sa dolyar ng mga OFW dahil nagagamit nito sa pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa ang salaping ito.

Nabubuhay rin ito sa buwis at iba pang bayarin sa gobyerno ng mga OFW at pamilyang OFW sa kanilang mga pundar na tahanan, hanapbuhay, pang-araw-araw na konsumo at iba pa.

Maging ang mga pabrika, paaralan, ospital at iba pang negosyo ay nabubuhay rin sa pagbili ng mga OFW at pamilyang OFW ng mga produkto at serbisyo ng mga ito.

Tanong: Gaano kalaking bahagi ng $23B ang padala ng mga OFW sa Gitnang Silangan at seaman at gaano kalaki ang epekto nito sa kalagayang pananalapi ng pamahalaan?

O kayo sa gobyerno, aksyon!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES