Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAKAWALA SI TATAD?

$
0
0

MARAMI ang naniniwala na hindi ang Saligang Batas ng bansa ang ipinagtatanggol ni Kit Tatad sa pagsasampa niya ng kasong diskwalipikasyon laban kay Grace Poe.

Ito ang malinaw sa nakararaming mamamayang Filipino dahil isang politiko si Tatad, na bukod sa sinasabi na nakinabang din ito sa bayan ay isa rin ito sa mga dating tauhan ni Macoy, ang pasimuno ng batas militar sa bansa.

Kitang-kita rin sa mga ginagawa ng dating senador, na hindi na rin makabalik sa Senado, ang kanyang motibo at kung sino ang nasa likod ng kanyang mga pagkilos.

Halatang kasama sa taktika ng oposisyon na itago muna pansamantala si Tatad upang magamit nila ito sa kanilang mga baluktot na gawi kagaya ng ginagawa nito kay Poe.

Malinaw rin sa itinakbo ng pulitika ni Tatad kung kanino siya nakataya noong una pa lamang kaya mahirap isipin na mayroon pang maniniwala rito.

Hindi naman bobo ang mamamayan sa tunay na agenda ni Tatad sa kanyang pagpa-DQ kay Poe at iyan ang dapat tignan ng oposisyon at amo ni Tatad dahil baka sa halip na makabuti sa kanila ay mag-boomerang ito sa kanilang kampo.

###

Gamit na gamit ni Mar Roxas ang 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD. Malinaw kasi sa TV ads ng asawa ni Korina na karay-karay niya ang ilang beneficiary ng 4Ps.

Kitang-kita rin sa ikinikilos ng LP na gagawin nito ang lahat manalo lamang si Roxas kahit pa labag sa batas ang paggamit sa mga programa ng gobyerno sa kampanya.

Namalas din ang tao kung gaano kalaki ang halagang pwedeng gugulin ng tropa ni PNoy sa eleksyon at iyan ay malinaw sa TV ads pa lamang.

‘Yan ang daang matuwid ni Mar Roxas at iyan ang dapat tandaan ng mga Filipino dahil tayo ang boss nila sa Mayo. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>