Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BARKADAHAN ‘DI PAMAMAHALA

$
0
0

IYAN ang estilo ni Don Benigno Aquino 3. Siguro naman, sa mga mahigit 5-taon na nakaupo siya sa Malacañang ay alam ng taumbayan ang ugali at buong katauhan ng rehimeng pabaya sa lahat ng bagay.

Walang kinikilala si Aquino kundi ang sarili, pamilya, kanyang sikat na mga kaibigan, kapartido, kabarkada, kabarilan na tinawag bilang KKKK.
Ganyan din noon ang gawa ng nanay niya hindi ba?

Bulag sila sa tama at totoong pamamahala sa serbisyo sibil. Basta sa kanilang mag-ina, ang kaibigan at kapamilya ang una at huli. Wala na.

Ang sinoman noon na pumuna o tumutol sa maling gawain ni Tita Cory, awtomatikong sibak sa puwesto kahit napakagaling magtrabaho. Ganyan din ngayon ang nagaganap kay Noynoy. Basta barkada, kanya. Walang pwedeng sumaling.

Hayan nga. Mismong mga negosyante’t kaalyado na ni Aquino ang humiling na sibakin sa pwesto si DOTC tsip Jose Emilio Aguinaldo Abaya Junior a.k.a. Boy pABAYA pero ano ang sagot niya, “akin si Dayunyor!”

Ganyan din ang ginawa niya kina Defense Sec. Voltaire Gazmin nang mabulgar ang maiskam na “AFP modernization”, lalo na sa pagbili ng mga bulok na helicopter. Kay MIAA GM Jose Honrade na tinanggal ang “overtime pay” ng mga nagtatrabaho sa paliparan pa lang siya ang mangolekta sa mga airline?

Isama ang pinakahuling trabahong sindikato, ang “tanim-laglag bala” na kahit alam niya, nagmistulang inosente kuno. Isama ang bawal pero kinolekta niyang “travel fee” mula sa mga OFW.

Ano ang nangyari sa kanila? Awto-absuwelto lahat ni Aquino dahil noong panahon ni Donya Corazon, opisyal niya si Gazmin, gayundin si Honrado at aide-de-camp naman si Jun Abaya. Ganyan din ang ginawa niyang pangangalaga kay nagbitiw na hepe ng PNP Alan Purisima na personal na alalay niya.

Ganyan katindi bilang tapat na kaibigan sa kanyang mga kaibigan si PNoy. Wagas. May forever.

Ang masakit lang, mula nang maupo hanggang ngayon na papaalis na sa kanilang mga tungkulin, sa halip na gumawa sila ng paraan para malimutan ang kanilang mga kalokohan at kabiguan sa pamamahala, ala ey, lalo pa silang lumala!

Gusto kong sisihin ang mga napaniwala ng mga Cojuanco Aquino na bumoto sa kanya at mga Liberal Party na nanalo. Ang sarap bang batukan!

Pero sabi nga, patapos na din lang. Ayaw rin naman tuparin ang pagpapasagasa matapos lokohin muli ang taumbayan, okay na, umalis na lang sa puwesto at sundan ng tone-toneladang kaso! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES