Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGING PNP CHIEF MARQUEZ

$
0
0

TILA nagiging palabigasan o ‘masamang hanapbuhay’ na ang paulit-ulit na hijacking activities sa bayan ng Atimonan, Quezon, lalo na sa kahabaan ng Maharlika Highway kung saan isa na namang Isuzu truck na may lamang sako-sakong copra mula sa probinsya ng Sorsogon ang tinira uli ng mga hinayupak na sindikatong ito ilang araw makaraan ang Kapaskuhan.

Hindi na rin siguro masikmura ng kaawa-awa at maliit na negosyanteng ito kaya ito ay nagsumbong sa inyong lingkod sa pamamagitan ng Good Riddance column at sa kanyang sumbong, kung saan kanya pang pinadala ang kopya nito sa pamamagitan ng LBC, tila ang sindikato na ito ay may basbas o mismong mga alagad ng batas ang nasa likod nito.

Well, hindi malayo dahil kung talagang hindi, isa kundi maraming beses na nagaganap ang iligal na gawain na ito, eh, posibleng may kinalaman ang ilang tiwaling alagad ng batas sa Atimonan. S’ympre madali nila itong itatanggi subalit kung talagang wala silang kinalaman, dapat may mga pruweba sila sa pagresolba ng ganitong halang na gawain. Eh kaso, wala nga as in nganga!

Kawawa naman kasi ang mga maliliit at walang kalaban-labang mga negosyante ‘pag sila ay nabibiktima ng mga kawatang ito. Worse kung ang mga ito ay mismong mga awtoridad na dapat nangunguna sa pagprotekta sa kanila.

Ang isang tinitiyak ko, hindi ito basta-basta palalagpasin ni Director General Ricardo Marquez, dahil wala sa pagkatao nito ang i-tolerate ang kalokohan ng miyembro ng PNP, lalo’t may sapat na katibayan. Tanungin mo pa si C/Supt. (Atty.) Wilben Mayor, ang aking kaibigan at PNP spokesman. ‘Di ba, Sir?

110TH NAVOTAS FOUNDING ANNIV

Ngayon pa lang ay naghahanda na ang mga miyembro ng taunang Pangisdaan Festival kaugnay ng selebrasyon ng 110th Navotas Founding Anniversary sa Enero 16 na may temang “Pag-ibig, Pamilya, Pagkakaisa para sa Payapa at Matatag na Navotas.”

Kaabang-abang ang bagong events at services tulad ng Health and Social Services Caravan (Enero 13, 8AM–5PM, sa Navotas Sports Complex); Trade Fair, Diskwento Caravan at Marikina Shoe Caravan (Enero 10–17, 6PM–11 PM, sa Navotas City Walk, C-4) at Senior Citizens Ballroom Party “Moment namin Ito!” (Enero 11, 6PM, sa Navotas Sports Complex).

Itatampok sa mga aktibidad na ito ang mga pangunahing serbisyo ng Panlungsod na Kagawaran ng Kalusugan ng Navotas at City Social Welfare and Development Office tulad ng infant, maternal, elderly, adolescent services at distribution of wheelchair; mga lokal na produkto ng Marikina; at galing ng mga Senior Citizen sa pagsasayaw.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bibigyan din ng pagkilala ang kontribusyon ng mga taxpayers, artists at mga mangingisda sa lungsod na paparangalan sa dalawang magkahiwalay na programa – ang Awarding of Top 10 Taxpayers of 2015 (Business and Realty) and Art Exhibition na gaganapin sa Enero 13, 6PM, sa Sofitel Luxury Hotel, Manila at Awarding of Top 10 Fisherfolks na gaganapin naman sa Enero 12, 10AM, sa Navotas Sports Complex.

Take a look around. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>