Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA OPISYAL NG COMELEC HINDI NAGKAKAUNAWAAN

$
0
0

LAMAN ng mga balita ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Sa komento na isinampa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Supreme Court (SC) noong Huwebes ay hiniling niya na ibasura ang petisyon ni Sen. Grace Poe, na baligtarin ang desisyon ng First at Second Divisions ng Comelec na maitsapuwera siya sa 2016 elections.

Nanindigan si Guanzon na hindi natural-born Filipino ang senadora at hindi ito nakasunod sa 10-taon na paninirahan sa Pilipinas na kinakailangan sa mga nais kumandidatong Pangulo.

Pero kinabukasan ay nagpahayag ang mismong chairman ng Comelec na si Andres Bautista na ang komento na isinampa ni Guanzon sa SC ay hindi idinaan sa kanya o sa buong Comelec.

Inilagay raw ang kanyang pangalan sa dokumento pero hindi ito ipinabasa o pinapirmahan sa kanya. Kitang-kita naman sa naturang dokumento na ipinakita sa isang TV news program noong Biyernes na naroon nga ang pangalan ni Bautista pero wala ang kaukulan niyang pirma.

Nag-isyu si Bautista ng memorandum na nag-uutos kina Guanzon at Comelec law department director Maria Norina Tangaro-Casingal na magpaliwanag kung kanino sila humingi ng permiso para isampa ang naturang komento. Kapag hindi raw niya nagustuhan ang paliwanag ay sasabihin niya sa SC na walang awtorisasyon ang isinampang komento.

Para kay Bautista ay hindi wasto at kawalan ng paggalang ang ginawa ng dalawang ito dahil hindi raw siya binigyan ng pagkakataon na pag-aralan ang nilalaman ng dokumento.

Ipinaglaban ni Guanzon ang ginawa sa kanyang Twitter account. Bilang commissioner ay hindi raw siya subordinate ni Bautista at walang kontrol ang Comelec commissioner sa kanya. Baka masira raw ang imahe ng Comelec at maapektuhan ang kaso nila sa SC dahil sa ginawa ni Bautista.

Alalahaning bilang chairman ay si Bautista ang presiding officer at chief executive officer ng Comelec. Hindi ba natural lang sa isang pinuno na magdamdam kung hindi kinikilala ng kanyang mga nasasakupan ang kanyang awtoridad?

At kailanman ay hindi maganda sa paningin ninoman ang hindi pagkakasundo ng mga opisyal ng isang organisasyon, lalo na kung taong-gobyerno ang mga ito. Bakit hindi idaan na lang sa tamang proseso at kailangan pang humantong sa pagbabangayan sa harap ng publiko?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>