Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINO SINA BONG SOLA AT BRIDGETTE SA RIZAL?

$
0
0

MAY mga nagtatanong kung sino raw ba itong sina Bong Sola at Bridgette ng lalawigan ng Rizal.

Hindi ko rin alam kung sino ang dalawang ito, mga suki. Pero nagtanong-tanong tayo sa ating mga kaibigang reporter diyan sa Rizal.
Aba’y astig daw pala itong sina Bong Sola at Bridgette.

Mag-partner daw ang dalawa sa iligal na operasyon ng sugal. At lintek ang pasugalan ng dalawa…buong Rizal ang hawak nila.

Basta video-karera at lotteng, sila ang bahala.

Alam n’yo bang kapag may video-karera sa isang lugar e, nagkakaroon ng lungga ang mga pusher at adik?

Si Bong Sola ang nag-oopereyt habang si Bridgette ang pinansiyer.
Lahat daw ng pulis ng Rizal ay nagmamano sa dalawang ito, lalo na sina hepe. Ganun?

Dahil kampanya na para sa darating na halalan sa Mayo 9, lalong pinasigla ang sugalan ng dalawa.

May basbas daw ito ng PD (provincial director). At siyempre, alam din daw ito ng mga tao nina mayor at gobernador.

Nagtataka tayo kung bakit sobrang lakas ng iligal na gawain nina Bong Sola at Bridgette sa Rizal gayong may direktiba ang kababayan nating si DILG Sec. Mel Senen Sarmiento laban sa mga iligal na pasugalan.

Nangangamba kasi si Sec. Sarmiento na magamit ang pera ng mga pasugalan para sa kampanya ng mga politiko.

Kapag kasi buhos ang pera ng mga gambling operator sa mga kandidato, hindi malabong mangyari na magkaroon ng patayan sa isang lugar.

Kadalasan, sa pamamagitan ng pera mula sa illegal gambling, nagagawa ng mga politiko na magkaroon ng guns at goons.

Hay naku, Rizal PD, S/Supt. Adriano Enong, alam n’yo ba ang gawaing ito nina Bong Sola at Bridgette?

Dahil bago pa lamang kayo riyan sa erya, mabuti pong mag-helmet na kayo at baka may nangongolekta na rin para sa inyo. Gising, sir! KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>