Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LRT-1, LRT-2 PUNO RIN NG KORAPSYON

$
0
0

HINDI lang MRT-3 ang kinukulapulan ng katakot-takot na iskam kundi LRT-1 at LRT-2 rin.

Akalain ba nating pinagbabayaran ng bilyones na halaga ng Light Railway Transportation Authority ang dalawang kontraktor sa mantinansya nang buo kahit kulang ang pabiyahe ng mga ito at may pandaraya sa paggawa sa mga tren?

Hindi rin nagpahuli ang mga opisyal at empleyado sa pagpapaulan sa kanilang mga sarili ng mga insentibo na nagkakahalaga naman ng mahigit sa P400-milyon.

Naganap ang lahat ng ito simula noong 2007 na panahon ni Aling Gloria hanggang sa 2012 na panahon naman ni PNoy, ayon sa Commission on Audit.

BUO KAHIT KULANG

Ayon sa COA, binayaran ng LRTA ang CBT-PMP-GRAS Joint Venture ng P1.29-bilyon para sa mantinasya nito sa LRT-1 mula Enero 1, 2009 hanggang Disyembre 31, 2011.

Binayaran din nito ang TSPA Joint Venture ng P1.059B para sa mantinansya ng LRT-2 mula Hunyo 16, 2007 hanggang Hunyo 15, 2012.

Ang napuna ng COA, nagkaroon ang LRTA at ang dalawang kontraktor ng kontrata para sa nasabing mga halaga pero walang malinaw o detalyadong pagkakagastusan.

Basta na lang nanalo sa bidding ang mga ito na puro lump sum o pawang malakihang halaga ng gastos para sa anomang gawain ang nakalagay.

Hiningan ng COA ang mga magkakakontrata ng mga kopya ng lahat ng mga kinakailangang dokumento, maging ang orig na halaga ng kontrata, pero walang maipakita ang mga ito.

Ang masaklap, mga Bro, nag-a-adjust ng halaga para sa gastos pero wala namang orig na halaga ang pinagbabatayan.

DINARAAN SA DAYA

Batay sa kontrata, dapat umanong nakapagpabiyahe ng minimum na 114 light rail vehicle ang kontraktor ng LRT-1, at 16 trainsets naman para sa LRT-2 ikalawang kontraktor.

Pero ang nangyari, mga Bro, 107 LRVs lang ang tumakbo para sa LRT-1, and 13 trainsets lang ang para sa LRT-2.

Heto pa. Anak ng tokwa, maraming iniuulat sa LRTA ng mga kontraktor, na tinanggap naman ng ahensya ng gobyerno bilang totoo, na pabiyahe pero nakatigil pala at nire-repair.

Wala ba kayong naamoy na malansa sa mga pangyayaring ito? Lalo na kung, sa kabila ng kapalpakan ng mga kontraktor, ay buo pa rin ang bigay na bayad ng gobyerno sa mga ito?

BUMABAHA NA INSENTIBO

Lumalabas na bumabaha ng salapi sa LRTA at madalas na mag-swimming at mag-surfing ang mga magagaling dito.

Sabi ng COA, walang batayan ang lahat ng mga insentibo o pabuya na ipinamigay ng mga opisyal sa kanilang mga sarili at sa mga empleyado na rin.

Sa P400.448-milyon na insentibo na iligal, may P370.874M para sa “collective negotiation agreement incentives”. May P12.621M naman bilang “gantimpala award”.

‘Yun bang === cash para umano sa mga empleyado na magagaling at tapat sa ahensiya.

Nasa “P10.632M namang “corporate giveaways” kung anoman ito, P5.466M para umano sa “extraordinary and miscellaneous expenses”, P565,000 “per diem” para sa mga dumadalo sa mga pamiting? At P290M para sa “transportation and miscellaneous expenses.”

LUGING-LUGI

Sabi ng LRTA, mga Bro, luging-lugi ang gobyerno sa pagseserbisyo sa mga mananakay na umaabot sa nasa isang milyon katao araw-araw.

Sa katunayan umano, malaki ang subsidy o inilalabas ng pamahalaan na kwarta para sa operasyon at mantinansya ng dalawang linya ng tren. At ito pa nga ang sinasabi mismo ni PNoy na dahilan kung bakit kinakailangan na itaas ang pamasahe rito.

Pag naitaas umano ang pamasahe, hindi lang basta makatipid sa gastos ang pamahalaan kundi matiyak na makatitinding ng sariling paa ang mga nasabing tren.

Pero anak ng tokwa, lumalabas ang katotohanan. Puno ng iskam at pagmamalabis ang LRT-1 at LRT-2 at kitang-kita sa ulat ng COA na aprub ang lahat ng ito ng LRTA.

Hindi pala sa serbisyo sa mamamayan nalulugi ang mga ito kundi sa mga iskam.

2013-2016 NA OPERASYON

Tanong natin sa COA, meron na rin bang audit para sa taong 2013 hanggang 2015?

Ano-ano naman kaya ang lalabas? Puro iskam pa rin ba kaya?

Eh, kung isama ang mga iskam sa MRT-3, ano kaya ang magiging kabuuang larawan ng perokaril sa Metro Manila?

Tatandaan na kasalukuyang batbat ng kontrobersiya o anomalya ang MRT-3 ngayon. At ang Department of Transportation and Communications ang sumisentro sa MRT-3 scam.

Baka naman, kasabwat din ang DOTC sa mga iskam sa LRT-1 at LRT-2. Hindi kaya, kayong mga taga-COA?

Sino kaya ang magiging sinungaling at manloloko sa pagtataas ng pasahe rito sa harap ng mga palpak na serbisyo at mga puno ng pandurugas na mga kontrata sa mantinasya?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>