Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA ALIPIN NG BISYO, SAGOT NI CONG. SUSANO ‘YAN

$
0
0

MAGIGING produktibo sa lipunan ang mga lulong sa bisyo tulad ng iligal na droga o timawa man sa alak.

Ito ang prayoridad ni Cong. Annie Rosa Susano para sa mga residente ng Ikalimang Distrito ng Maynila sa pamamagitan ng pagpapatayo ng Rehabilitation Center mula sa kanyang pondo sa Kongreso.

Dito raw ilalagay ni Cong. Susano ang kanyang pondo upang bigyan ng tunay na tulong-gamutan ang mga biktima. Ayaw niyang ilagay sa mga NGOs o Foundations dahil baka ma-NAPOLES pa tsk, tsk, tsk.

Marami nang Rehabilitation Centers, pribado at pampubliko o gobyerno pero kakaiba ang programa na nais ipatupad ni Cong. Susano dahil may kaakibat itong pagkakataon na magkaroon ng trabaho ang mga biktima.

Halimbawa para sa biktima ng iligal na droga kung saan dadaan ito sa epektibong gamutan pagkatapos ay isasailalim ito sa pagsasanay na ibinibigay ng ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng TESDA.

Nakita kasi ni Cong. Susano na karamihan sa mga nagtapos ng programa sa mga Rehabilitation Center ay bumabalik din sa kanilang bisyo – balik muli sa pagiging adik pagbalik sa kanilang komunidad.

Makalipas lamang ang ilang araw o linggo ay balik ulit sa kanilang barkada o balik tambay sa kanto dahil karamihan sa kanila ay walang trabaho dahil walang sapat na kasanayan para sa trabaho.

‘Yung kapitbahay ko nga na galing ibang bansa ay naging timawa sa alak mula nang bumalik siya may anim na taon nang nakalipas. Wala kasing trabaho kaya ginawang libangan ang pagtoma araw-araw.

Ang ganitong sitwasyon ng ating mga kababayan ang dapat isailalim sa programa ni Cong. Susano upang hindi sila maging salot ng lipunan kundi isang pakinabang sa kanilang pamilya at komunidad.

Ang mga adik kaya sa sugal tulad ng isang kilala kong opisyal ng Maynila, pwede kaya sa programang ito ni Cong. Susano? May trabaho iyon at dati raw iskolar kaya nakapagtapos ng pag-aaral pero sugarol ang lintek!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>