Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

JAPANESE WAR REPARATIONS KANINO BA NAPUNTA?

$
0
0

NAALALA ko ito noong ako ay estudyante pa lamang sa Caloocan High School (CHS’70). Noon pa man ay mahilig na tayong magbasa ng balita at paminsan-minsan ay dumadalo sa mga pagdinig sa Kongreso na noon ay nasa Maynila, ang National Museum Building ngayon.

Isa sa usapin noon ay ang pagbabayad ng gobyernong Japan sa Pilipinas matapos nila tayong sakupin, alipinin at dahilan ng pagkawasak ng buong bansa sa mga bomba ng puwersang Amerikano.

Sa Maynila, batay sa kasaysayan, malaya na ito sa kamay ng mga Hapon dahil sa pwersa ng gerilyang Filipino. Alam ito ng mga Kano, lalo na si General Douglas McArthur pero dahil sa pangako niya na “Ishall return”, kailangan bigyan niya ito ng buhay?

Anyway, sa pagitan ng taong 1960-1970, nagharap ng panukala ang gobyernong Hapon sa gobyerno ng bansa para bayaran ang mga nasira nila noong World War 2 (WW2) sa bisa ng WAR REPARATIONS o lubusang pagbabayad ng naganap na war damage sa atin.

Ang alok ng Japan noon, sa halip na cash ang ibayad ay gagawin na lamang nila ang mga proyekto na pagpapabilis sa ating serbisyo ng transportasyon. Magandang panukala, pero hindi natuloy at ang pondo ay nawala!

Unang proyekto sana ng Japan War Reparations Repayment Scheme ay ang paggawa ng makabago (noon) na serbisyong perokaril o tren. Mula sa Tutuban ay patatagusin nila ang tren sa bundok ng Nueva Ecija-Nueva Vizcaya, paikot ng Cagayan, Ilocos Region, Tutuban, hanggang Bicol, pabalik muli ng Tutuban bilang central station.

Batay rin sa alok ng Japan noon, kapag natapos ang perokaril sa Luzon ay isusunod nila ang paggawa sa Visayas at Mindanao. Sa huli ay gagawa sila ng mga daungan at tulay para mapagdugtong at mapabilis ang sistema ng ating transportasyon.

Out of political insight, panahon pa ni dating Pangulong Diosdado Macapagal ang alok pero natalo siya kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Naalala ko na pinag-usapan din ito noon. Katunayan ay pumayag si Pangulong Marcos at ang gusto niyang unahin sana ay ang RP-Japan Coastal Friendship Highway mula sa baybayin ng Maynila, Bulacan, Pampanga, Bataan hanggang Ilocos region. Nasa mga baybay pa ang mga bakal na inilatag ng Japan noon.

Ito ang isang dapat saliksikin ng susunod na administrasyon. Makipag-ugnayan sa gobyernong Hapon tungkol sa nawalang WAR REPARATIONS FUND.

Kung naubos dahil sa katiwalian noon, maaaring hiritin ng BAGONG ADMINISTRASYON ngayon. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>