ISANG civilian na nagngangalang SPO10 Yankee ang nagpapakilala ngayon na siya na ang bagong siga sa Regional Intelligence Unit (RIU) ng Intelligence Unit (IG) sa Maynila kaya wala raw sinoman ang makapipigil sa kanyang mga ginagawang panghuhuli sa mga iligal na pasugalan.
Ibang klase ang gagong sibilyan na ito kung manghuli ng mga pasugalan.
Nitong nakaraang Miyerkules ay nanghuli raw ang mamang ito ng mga pasugalan sa Maynila gaya ng lotteng, EZ2 at mga video-karera.
Sa halip na dalhin ng kumag na ito ang mga nahuli niya sa kampo o sa presinto ay binabangketa lamang niya ito.
Ang siste pa ay isa-isang pinatutupos ng ugok na sibilyan na ito ang nahuli niya sa mga operator ng nasabing pasugalan sa halip na kasuhan ang mga iligalistang nahuli dahil sa kasong illegal gambling.
Hindi pa nasiyahan ang sibilyang si SPO10 Yankee, muli na naman itong umatake noong nakalipas na Huwebes at siya ay nanghuli ng bookies ng karera.
Ngunit kagaya ng dati, sa bangketa na malapit sa Camp Crame ay isa-isa niyang ipinatutubos ang kanyang mga nahuling personnel sa mga operator nito.
Ang tanong, alam kaya ng hepe ng IG-RIU ng Manila Sector ang ginagawang pambubukol sa kanya nitong si SPO10 Yankee?
COLOR GAMES QUEEN NG BATANGAS, HINDI KAYA NI MAYOR
Sa Lemery, Batangas ay lantaran ang puwesto pijo na front ng iligal na color games nitong si Aling Tita.
Hindi ginagalaw ng kapulisan dahil malaki ang ganansyang natatanggap nito mula sa suhol ng nasabing “Color Games Queen” na si Aling Tita.
Halos walang pinalalagpas na araw itong si Aling Tita. Ultimo araw ng Linggo ay patuloy ang operasyon ng kanyang puwesto pijo.
Ano ba ang ginagawa ninyo sa bayan ninyo, Mayor Meynard Sabili?
oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
