FUNNY it may look but it is very true. Tayong mamamayan ang mapaghati ng ating lipunan. Hindi ito nakatutuwa. Kahit na ano pa ang galing at husay ng isang lider, hindi magtatagumpay dahil sa ugali natin na mapanghati.
Ngayon na lang mag-eeleksyon, natural lang na may papaburan at susuportahan tayo na partido o politiko. Ang tanong, gaano mo kasuportado ang iyong politiko’t partido? Till death do us part ba? ‘Yung handa kang makipagpatayan matiyak lang ang panalo ng kakampi mo?
Hinay-hinay lang mga kabayan. Huwag tayong panatiko sa paniniwala. Huwag tayong magpadala sa sulsol ng campaign operators ng mga politiko. Huwag itodo ang paniniwala sa mga politiko na tila kayong mga panatiko.
Una, matapos ang eleksyon, hindi tayo sigurado kung gaano kahusay ang pagmaniobra ng mga mauupo. Katulad na lang ng NAPAKALAKING MALI na paniniwalang KORAP SI GMA, LILINISIN NI NOYNOY AQUINO ang lahat na uri ng dumi sa ating lipunan. ANYARE? SAMPUNG DOBLE ANG KORAPSYON NGAYON SA KANYANG REHIMEN!!!
Sa social media na lang ay nakalulungkot ang nangyayari na bangayang pulitikal. Hindi ng mga politiko kundi tayo-tayo.
Mahuhusay ang political operators ng bawat kampo-pulitikal dahil isusuka mo talaga ang “ibinubulgar” nilang na impormasyon o larawan. At tayong mga supporter naman, tira to the max kung magkomento. Aakalain mong hayop at kaaway ng bayan ang kalaban ng pinaniniwalaan mong kandidato o politiko.
Tama ba ang ganyan kabayan? Tayo lang sa buong mundo na may pamahalaan ang ganito ang ugali. Tayo-tayo ang naghahati sa ating mga kababayan.
Tayo-tayo ang nagmumurahan samantalang matapos ang eleksyon, silang mga politiko na magkakalaban ay nagkikita sa isang pagtitipon, nagtatawanan, kainan at inuman hanggang malasing!
Sa Kongreso na lang. Makikita mo sila na halos magbatuhan, magduruan, magsuntukan pero iyon pala ay isang orkestradong usapan o palabas lang.
Bago sila pumasok sa kalipunan, may usapan na sila, teatro! Ganyan ang mga politiko. Puro panloloko sa taumbayan ang ginagawa.
Animo’y mga makabayan pero saan ka, lahat sila ay tumatanggap ng payola para sa sarili lamang nilang kayamanan.
We are our own nation’s dividers. This we must give an end now. Better unite and let those politicians feel our real peoples power. Kung hindi natin gagawin, ayos, magpakatanga na lang kayo! BALETODO/ED VERZOLA

