Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MABUHAY KA, ALYSSA CLAIRE ANGUREN ALMO

$
0
0

IPINAGMAMALAKI ko ang kababayan kong si Alyssa Claire Almo ng Eastern Samar.

Sa 86.40 porsyento, nanguna siya sa 9,114 na pumasa mula sa 18,500 na kumuha ng Nursing Board Examination na isinagawa ng Professional Regulatory Commission (PRC) kamakailan.

Si Bb. Almo ay nagtapos sa Remedios Trinidad Romualdez Medical Foundation. Ang tatay niya ay taga-Quinapundan at taga-Borongan City naman ang nanay niya. Mabuhay ka Alyssa Claire Anguren Almo!!!

MALAPITAN: MAGBAYAD NG TAMANG BUWIS

Ito ang panawagan ni Mayor Oscar Malapitan sa mga negosyante at mga residente ng Lungsod ng Caloocan.

Ang ibabayad na buwis bago o mismong Enero 20 ay gagamiting pantustos sa mga proyekto ng adminitrasyon ni Malapitan, pansahod sa mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Ang tinitiyak ni Mayor Malapitan ay hindi mauuwi sa korapsyon at pandarambong ang buwis ng mga residente, hindi kaparis ng ibang pamahalaang lungsod.

TIANGCO: ‘DI MAGBABAYAD NG BUWIS PARURUSAHAN

Tama ang mensahe ni Mayor John Rey Tiangco sa mge negosyante at residente ng Lungsod ng Navotas na mapaparusahan ang hindi magbabayad ng buwis bago o mismong Enero 20.

Kailangang maparusahan ang hindi nagbabayad ng buwis upang matikman nila ang kaukulang parusa sa pagbabalewala nila sa buwis. Suportado ko ang ganitong tindig ni Mayor Tiangco.

HINDI TSAMBA ANG TAGUMPAY NG CALOOCAN

Kung walang basehan, walang karapatang magsalita! Hindi wastong pagdudahan o batikusin ng sinomang nasa tamang pag-iisip na ang tatlong parangal na natanggap ng administrasyon ni Mayor Oscar Malapitan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nakabatay sa pulitika.

Ang “Seal of Local Good Governance” at “Seal of Good Financial Housekeeping” at ang “2015 Local Legislative Award” na pinakabago ay resulta ng pagsunod at pagsasakatuparan ng mga alituntunin at konspeto na umaayon sa mga itinakdang pamantayan ng DILG.

Ang mga naghirap upang makamit ang tatlong natatanging karangalan ay ang mga kawani ng pamahalaang lungsod.

Ang totoo, nagulat ako sa unang parangal. Hindi akalaing kaya pala ng Caloocan. Ngunit, nadagdagan ng dalawa pa mula pa rin sa DILG na ang namuno at namumuno ay galing sa kalabang partido ni Mayor Malapitan.

Dahil naging tatlo, nakumbinsi akong kaya ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na magtagumpay sa larangan ng pamamahala kung ang namumuno ay alkalde na mayroong pagpapahalaga sa mataas na kalidad sa uri ng pamamahala tulad ni Mayor Malapitan.

Natutunan ko sa University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance (NCPAG) na mayroong estratehikong papel ang pinuno—tulad ng alkalde—sa pamamahala ng pampublikong organisasyon.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: sulongbade@yahoo.com, o bisitahin ang: NSBADILLA.BLOGSPOT.COM BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>