Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEKSING PERYANTE KABIT NINA MAYOR, HEPE

$
0
0

USUNG-USO na yata talaga sa ngayon ang 3 in 1. Biruin mo naman, itong mala-artista at sexing peryante, bukod sa may asawa na ay kinabit pa ang mayor at hepe ng pulis para lang maproteksyunan ang kanyang iligal na operasyon.

Pikit-mata na lang daw na nilulunok ng asawa nitong seksing peryante na mayroon siyang kasosyo sa kanyang misis magpatuloy lang ang kanilang iligal na pasugalan na ang naka-front ay peryahan.

Hmmmm, kaya naman pala malakas ang loob ng seksing peryante na ito na mag lagay ng iba’t ibang iligal na sugal sa harapan ng munisipyo at police headquarters sa isang bayan ng Pangasinan.

Noong nakalipas na buwan ng Disyembre ay napasyal ang Lily’s Files sa isang bayan ng Pangasinan kung saan ay nakapwesto ang nasabing “Peryahan” at doon ay nakita ko ang mga menor-de-edad na tumataya ng color games at drop ball.

Makikita rin ang mga naka-unipormeng pulis at barangay tanod na paikot-ikot sa nasabing lugar pero hindi man lang sinasaway ang mga kabataang mananaya.

Walang kakaba-kaba ang seksing prinsesa ng peryahan kaya naman, pakuya-kuyakoy lang ito sa labas ng peryahan, ni hindi man lang niya naisip na posibleng ma-raid ang kanyang negosyo dahil sa iligal na operasyon nito.

Sinasabing ang financier ng peryahan na ito ay isang Mayor ng isa sa pinakamalaking lungsod ng Pangasinan at ang protektor naman nito ay hepe rin ng pulisya sa kapareho ring lungsod.

Alam din daw ng Kampo Crame at ng PNP-Region 1 ang operasyong ito pero binabalewala lang dahil sa isang cash-sunduan.

Ngayon po, paano po ba maipassara ang peryahang ito, eh, nakasandal naman pala sa pader ang may-ari nito?

Pwede rin sigurong maipasara ang peryahang ito kung makikialam si PNP Chief, Police Director Ric Marquez at DILG Sec. Senen Sarmiento.

Hay naku, mga iligalista nga naman, matuloy lang ang kanilang operation ay gagamitin ang kanilang katawan para maproteksyunan sila.

Sa susunod po natin ibubulgar kung saang bayan sina mayor at hepe ng pulisya na kabit ng prinsesa ng mga peryahan.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>