Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAANG KANGKUNGAN DADAMPUTIN?

$
0
0

UPANG hindi makasuhan sa mga kapalpakang nagawa sa panahon ng kanyang pamamahala sa gobyerno, magiging pananggalang ni Pangulong Benigno Aquino III ang papalit sa kanyang puwesto.

Kaya naman todo-endorso siya sa kanyang manok na si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na hanggang ngayon ay hindi magusto-gustuhan ng mga Filipino. Si Roxas naman ay nakadepende kay Pangulong Noynoy sa kanyang mga naunang nagawang programa sa pamahalaan.

Pero tila sasablay si Roxas sa kanyang kandidatura dahil sa maling hakbang ni PNoy na hindi pirmahan ang P2,000 across the boad increase sa monthly pension ng Social Security System (SSS) members. Natural, maraming magagalit kay Pangulong Aquino, lalo na ang senior citizens na umaasa sa buwanang pensyon nila.

Hindi naman si Pangulong Aquino ang aani ng galit ng mga tao sa kanyang pagbasura sa House Bill 5842 kundi si Roxas at kanyang mga kaalyado sa halalan ng Mayo 2016.

Saang kangkungan dadamputing si Roxas kapag gumanti ang mga tao? Hindi lang naman ang SSS pensioners ang nagalit kay Aquino sa pagbale wala nito sa pagtataas ng SSS pension kundi maging ang kapamilya ng mga makikinabang sana. Siyempre, pati ang makikinabang sa darating na panahon ay hindi lang galit kundi gigil na gigil tiyak kay PNOY na kung pwede lang nilang sabunutan ay ginawa na nila.

Marami sa pensioners ang umaasa lang sa kanilang tinatanggap buwan-buwan upang gamitin sa kanilang pang-araw–araw na pangangailangan.
Karamihan sa kanila ay nangangailangan ng pambili ng gamot para sa kanilang sakit dala ng kanilang pagtanda.

Kung ang bagay na ito ay naipagkait ni Pangulong Noynoy, ano pa kaya si Roxas na sumusunod at ginigiyahan ng “Daang Matuwid.”

Sinabi ni Aquino, kapag pinayagan niya ang dagdag na P2K ay tiyak na mababangkarote ang SSS sa darating na panahon. Pero sagot naman ng pensioners, marami ang makikinabang sa panukalang taas sa pensyon pero sa mga milyon pisong bonus na pinayagan ng pamahalaan sa mga opisyales ng SSS ay iilan lang.

Dagdag pa ng pensioners, hindi ba’t mas dapat makinabang ang mga miyembro at retiradong manggagawa sapagkat ang mga ito ang naghulog ng buwanang kontribusyon upang magkaroon ng pondo ang SSS na ginagamit para sa iba’t ibang investment ng nasabing ahensiya?

Naku, sa galit ng mga tao sa pag-veto ni Pangulong Aquino sa Housebill 5842, dapat na makaisip ang kampo ni Roxas ng pwedeng isagot sa isyung ito. Kung hindi nila magagawan ng damage control, tiyak na lalong bubulusok pababa ang rating ng manok ng Palasyo sa Halalan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>