HE was maligned. He was jerked. He was called with many superfluous addresses. Architect of former President Ferdinand E. Marcos’ martial law and many more annoying allegations.
Instead of fighting back, he prefers to ignore everything. This man, Juan Ponce Enrile, just wants to finish his being a public servant!
Architect of martial law? Maybe yes. After all, who wrecked it? Remember 1986 People Power revolution, if we may call it a genuine revolution? Who instigated it? That ended the Marcos’ martial law regime whether you agree or not!
Ngayon ay nanawagan si Minority Leader senator Juan Ponce Enrile (JPE) sa muling pagbubukas at pagdinig ng hilaw na resulta ng Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP SAF.
Hindi pa man nagsisimula, tumira agad ang mga tagapagtanggol at aso ng rehimeng Aquino – pulitika lang daw?
Ewan kung sadyang tanga ang mga tauhan ni Don Benigno Aquino III (BSA3) para sabihin na ang hiling ni JPE sa reimbestigasyon ay tulak lamang ng pamumulitika. Nino? Sino?
Naalala ko ang huling pagkikita namin ni Senator Enrile. Ako ang nagulat nang payapain niya ako sa aking mga panulat na hitik sa pulitika dala ng sobrang kapabayaan ng rehimen ni BSA3 sa bayan at mamamayan.
Mainit ang isyu noon ng PDAF at DAP ni Janet Lim-Napoles at mga kaibigan niya sa Malacañan, pati mga kasangga ni Napoles sa gabinete sa pangunguna ni Budget secretary Butch Abad, kasama ang maraming taga-Liberal Party na sobrang busog sa luho ni Aquino.
“Ayaw ko na ng pulitika. Hindi na ako politiko. Nagugol ko na ang mahabang panahon sa aking buhay para mangarap na muling tumakbo. I just want to finish my term and go back to my family. I owe them much.”
Ilang linggo matapos ang aming pagkikita, “ipinakulong” siya ng abnormal na administrasyong Aquino! Enrile must be remembered kung gaano siya kahaba naglingkod bilang defense secretary.
Ibig-sabihin, malalim ang kanyang ugat na naitanim sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at marami ang natulungan sa kanilang hanay. Dapat alam ito ng mga aso at pulgas ni Aquino!
Ngayon, muling bubuksan ang kaso ng PNP-SAF 44, bakit tila takot na takot si Aquino at ang kanyang mga tuta sa Malacañan at Kongreso?
Hiniling sa kanya ito ng pamilya ng SAF 44 at mga apektadong sundalo at pulis. Nagtapat sa kanya ang mga sangkot lalo na yaong mga pinili para idiin ni Aquino para itama ang lahat.
Masama ba? With this reinvestigation, who is afraid of JUAN PONCE ENRILE? BALETODO/ED VERZOLA
