Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SABWATAN SA PROYEKTO TALAMAK SA PALAWAN

$
0
0

AY naku, milyon-milyong piso na namang halaga ng proyekto, gaya ng sa konstraksyon ng mga tulay at kalsada, ang pinag-aagawan sa Palawan.

Ang masakit, isang kumpanya lang ang umano’y makakukuha lang nito. Kung hindi ako nagkakamali, ang construction company na ito ay matagal nang kasabwat ng isang bigating opisyal sa Palawan dahil panahon pa lang ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo ay namamayagpag na ito.

Take note, nakakuha ito ng P2.3-bilyong kontrata mula sa gobyerno. E, ang balita ko nga ang lahat daw ng malalaking proyekto sa Palawan ay nakukuha ng kumpanya nito, (ay naku, Onyok), siguradong kurakutan na naman ito. Hehehehe. Tiyak na mag-iiyakan ang mga maliliit na negosyante.

Biruin ninyo, ‘yung construction company pa mismo ang namamahagi ng proyekto sa mga maliliit na mga kontratista. Wala nang bidding-bidding at kung meron man, moro-moro lang. “Natural hindi mangyayari ito kung wala ring basbas ng mga tiwaling opisyal ng DPWH.

Alam ba ninyo na noong panahon ng kontrobersyal “Pork Barrel Queen” na si Janet Lim-Napoles, sangkot na sa ‘maaanomalyang’ kontrata ang kumpanyang ito. Pero ang nakapagtataka, natutulog ang mga kaso nito hanggang ngayon.

Kamakailan lang, pinaimbestigahan din ng Bureau of Internal Revenue ang kumpanyang ito sa hindi nito pagbabayad ng tamang buwis sa kabila ng kinita nitong P3.59-bilyon mula 2009 – 2010, ayon sa Commission on Audit.

Hindi na kataka-takang kung heto na naman ang katiwalian dahil malapit na ang eleksyon. E saan pa ba kukuha ng pondo ang mga korap na politiko kundi sa mga proyekto na sana’y napakikinabangan at nagpapaginhawa na taumbayan.

Panahon na para magsagawa ng totoong pagsisiyasat ang gobyerno sa mga ahensiya nitong nangunguna sa korapsyon.

Alam naman ng lahat na isa na rito ang DPWH na may hawak ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa mga imprastraktura – mula sa eskwelahan, palengke at ospital hanggang sa pabahay sa mahihirap.

Saan nga ba pupunta ang “Daang Matuwid” na sinasabi ni Pangulong Aquino?

Ay naku Onyok,hehehehe…kawawa naman ang taumbayan sa mga kawatan na politiko at opisyal ng gobyerno na walang alam kundi gumawa ng pera!

***
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES