Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PARANGAL NA WALANG DANGAL

$
0
0

MARAMI ang hindi kuntento, nasiyahan at tila duda sa kinalabasan ng mga nanalo o binigyang parangal sa ginanap na ika-115 Anibersaryo ng Manila Police District noong Miyerkules, Enero 20, 2016.

Hindi naman pwedeng isisi kay MPD director C/Supt. Rolando Nana ang kinalabasan ng parangal sapagkat wala naman siyang ginawa kundi pirmahan ang mga dokumentong iniharap sa kanya kaugnay ng mga napiling nanalo sa kanilang mga kategorya ng parangal na ipinagkaloob.

Kaya lang, pangalan ni Gen. Nana ang nadudungisan sa mga pagkakamali ng mga bumuo ng panel of judges o awarding committee na pumili ng mga nanalo.

Nakapagtataka kasing ang mga nanalo ay hindi umano deserving sa award na kanilang mga tinanggap.

Masasabing hindi naman lahat pero marami sa mga tumanggap ng individual at unit award ay wala umanong karapatan na makuha ang karangalan dahil may mga kalaban silang mas higit ang nagawa kaysa sa kanila.

Halimbawa na lang ang isang opisyal na pumutok ang pangalan sa bahagi ng Eastern Police District dahil sa pag-arbor ng mga tauhan niya na nasangkot sa kaso ng droga. Matibay nga ang opisyal na ito dahil hindi man lamang nasibak sa pwesto gayung usapin ng droga ang kanilang tinawid sa ibang teritoryo.

Isang opisyal din ang tumanggap ng parangal gayung hindi naman daw karapat-dapat sapagkat ilang beses na rin namang nasangkot ang kanyang mga opisyal sa mga kalokohan tulad ng pagpatay ng preso sa loob ng kulungan, sex sa loob ng istasyon at talamak na kaso ng droga.

Itinutuga lang ng mga kapwa nito opisyal na kaya hindi ito nasisibak sa puwesto ay dahil malakas kay Gen. Nana.

Malakas din daw ang loob ng opisyal na ito na sagut-sagutin ang ilang opis-yal na mas mataas ang ranggo sa kanya dahil sinasalag umano siya ng kanyang District Director.

Isang opisyal din ang walang karapatan na tanggapin ang parangal para sa kanya sapagkat wala naman siyang nagawang mabuti sa kanyang nasasakupan dahil hanggang ngayon ay maraming nagaganap na krimen at talamak ang droga.

Kasi naman, pinagtutuunan ng opisyal na ito ang kanyang kikitain mula sa kanyang mga PCP commander sapagkat malaki ang gastos niya sa kanyang pamilya at higit sa lahat ay gastos niya sa kanyang PO1 na ibinabahay, este, ikino-condo pala.

Meron ding pulis na naunang ipinaaaresto ni Gen. Nana na nasangkot sa robbery extortion. Kaya paano magiging bata ng District Director ang pulis na ito gayung ipinahuhuli sa kanyang kapwa pulis?

Maaaring may mga bata si Gen Nana na sumali sa patimpalak ng “Best of the Best ng MPD” pero hindi ibig sabihin ay may kinalaman siya rito.

Masakit man sabihin, pero ang totoo ay nagkaroon ng lagayan sa naganap na awarding at ang ilan naman ay bata-bata system. Kaya nga ang mga nanalo, matapos maglagay, ay nagpadala naman ng meryenda sa mga miyembro ng awarding committee.

Makatatanggap nga ng mga papuri ang mga pulis na itinanghal sa pagdiriwang subalit ang mga walang karapatan na tumanggap na nanalo lang dahil sa kanilang padulas ay may maipagmamalaki kayang dangal?

Gayunman, congrats sa mga deserving. Ipinababati naman ng aking bossing na si Benny Antiporda si Chief Insp. Olivia Sagaysay, ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, napiling Policewoman Police Commissioned Officer of the Year.

Congratulations din kay S/Supt. Marcelino Pedrozo, Jr., District Chief Directorial Staff, na nasungkit ang Senior Police Commissioned Officer of the Year.

Take a look around. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>