NAGKAKAGULO sa dagdag P2-libo para sa mga pensyonado ng SSS. Mainit ang usapin. Mga kawawa at mga suwapang. Mas nanaig ang mga suwapang.
Sa totoo lang, kasalanan lahat ito ng Kongreso – mga politiko! Eh, kung hindi ba naman ulol ang mga “poging inang” mambabatas, eh. Magpapasa lamang ng magandang batas tuwing sasapit ang eleksyon.
Natural, sa halip na ibigay nang maayos, kailangan magulo ang isipan at maikintal sa utak ng mga botante kung sino ang sikat at sino ang kontrabida.
Heto pa ang ginawa ng mga “poging inang” politiko sa Kongreso. Bigla ring itinaas ang halaga ng ililibreng buwis para sa mga migrante at OFW na magpapadala ng kanilang bagahe rito sa bansa. Mula P10 libo ay ginawa nilang P150 libo na.
Eh, “poging ina” na mga taga-Customs at BIR, hindi kaya naman umalagwa ang kasuwapangan nila at kontrahin na naman ito? Akala ko ba hindi kailangan ang boto ng mga migrante’t OFW?
Abangan ang nguso nina Lina at Henares!
“Poging ina” rin ang panggagago ng rehimeng Aquino. Aba, biglang ibinuhos daw nila ang programang “matuwid na baluktot na daan” sa pamamagitan ng pag-okey sa maraming imprastraktura?
Aba, eleksyon na nga talaga.
Ang “poging ina” na DOTC naman ni Joseph EMILIO AGUINALDO Abaya, hayun, nagkakandarapa sa paggamit ng tren gawa ng Dailan, China.
Bilyon ang halaga ng mga bagon pero walang makina, walang laman-loob at hindi pa dumaan sa pagsubok na dapat ay patakbuhin muna ng 5-libong kilometro.
Eh, “poging ina” n’yo, paano tatakbo iyang mga bagon ng walang makina!
Ang matindi, katulad ng chop-chop na sasakyan, ang tren ni Abaya ay iba-iba ang suplayer bago gumana ang tren ng MRT3. May mula sa China, Germany, Busan Sotuh Korea at Liberal Party ng Pangasinan? Pwe!!! Anak ng pitumputpitongputingtupa kayo sa DOTC.
Ang tanong, magtama kaya ang gawa ng bawat isang suplayer sa iisang sistema ng tren?
Teka, totoo ba Mr. Abaya na kukuha pa kayo ng serbisyong tren mula sa Dubai?
Hindi nakatutuwa ang administrasyong Aquino ha. Patuloy ninyong niloloko ang taumbayan.
Diyan sa sa tren, bakit ayaw ninyo ibigay sa espesiyalista ang buong operasyon niyan sa Japan. Sila ang pinakamahusay na gumawa ng perokaril. Dapat alam ninyo iyan.
Ibabaon at patuloy din lamang ninyo kami ibinabaon sa utang, gumawa na kayo ng tama mga “pogi ng ina n’yo!” BALETODO/ED VERZOLA
