BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailahad ng ating mga tagasubaybay ang kanilang mga kaisipan, sumbong, paniniwala, problema at iba pa.
Narito po sila.
WALANG KURYENTE
GOOd eve po. Nabasa ko lang po ‘yung tungkol sa electricity na topic n’yo. Ako nga ay nagtataka sa gobyerno. May nakausap ako. Sa kanila raw sa San Miguel, Bulacan, wala pang kuryente. Nagulat ako dahil ang Bulacan at Manila ay magkalapit lang. Tapos may lugar pa sa Bulacan na wala pang linya ng kuryente. Eh ‘di mas lalo na sa talaga sa mga malalayong lugar. Hindi ako magtataka. Salamat po, Benny. 0920750….
BATAS SA KONTRAKTUWAL
Itong walang kwentang batas natin para sa mga manggagawa ay ginawang kontraktuwal ang mga obrero. At ang ahensya ng gobyerno para sa mga manggagawa ay nakikipagsabwatan sa mga malaking kompanya. 0922388….
MAMASAPANO AT ROXAS
Tumataas ang Approval at Trust rating ni PNoy base sa Social Weather Station survey, ayon sa ‘Tuwid na Daan.’ Baka makinabang si Mar Roxas dito kaya dapat buksan na ng mga kalaban sa Senado ang Mamapasano incident. 0908878….
MAGKAISA VS DOTC
Sir Benny, ano ang ginagawa ng mga representative ng iba’t ibang probinsya sa House of Representatives? Dapat magkaisa sila dahil sila ang representative ng mga mamamayan sa iba’t ibang lugar, sila ang boses. Bakit tahimik sila sa problema sa DOTC? Buwagin na lang dahil sayang ang pera na sinusweldo sa kanila. Walang silbi puro kurakot lang. 0999653….
SSS HEAD PALITAN
Dapat ang ilagay na head ng SSS ay may sapat na kaalaman sa business investment at hindi ‘yung nilagay ni PNoy na Columnist na supporter niya noong 2010. 0908878….
DISGRASYA
Grabe na talaga ang iba’t ibang aksidente ngayon. Involved ang bus, kotse, trak, motor at ibapa dahil sa sobrang pag-inom ng alak, paggamit ng droga at antok. Human error kumbaga. Sus, ginoo ko dong. #ALAKatDROGApaMore. Bumaba na ang gasolina, krudo at gaas, ang mga bilihin at pa-masahe ay hindi pa rin bumababa. ‘Yan ang kaipokritohan ng ibang mga negosyante at gobyerno. #SWAPANGpaMORE!!! Ang sagot ni mayor ‘Digong’ Duterte, #KULONGatBITAYpaMore! 0926594….
JUMPER AT VK
Good day po. Pakipasadahan naman po ninyo ang jumper ng kuryente at video-karera ng isang alyas B dito sa aming lugar sa Sitio Fatima, San Luis St., Sav 6, Bgy. San Isidro, Sucat, Parañaque City. Pati nga ‘yung pinatanggal na metro ng tubig, binubuksan niya sa madaling-araw at nagpapakasawa. Concerned citizen. 0920109….
REAKSYON SA PROSTITUSYON
Ako si Leodegario Fontanos Estrella ng Phil. Int’l Philanthropy for People Empowerment (PHILIPPEN), Inc., an environment and pro-people advocate. Alternatibong bayanihan, kawanggawa at malasakitan para sa kapwa at kalikasan ang aming isinusulong, may budget o wala kami.
Ngayon lang ako nakabasa ng matapang, malinis at akmang paglalahad ng isang kaawa-awang kalagayan ng mamamayan sa sala at kakulangan ng pamahalaan sa halos isang pahina ng isang pahayagan. Mr. Antiporda, mabuhay ang mga katulad mo. God Bless. Prostitution sa kalamidad at krisis. Tumpak at tama. Kung mayroon sanang sustainable na livelihood program at agro-industrial opportunities in the rural and urban sites nationwide, maaaring magkaroon ng kalamidad. Pero ang krisis na sobra para kumapit sa pagbebenta ng puri ng kababaihang Filipino ay matutuldukang unti-unti. God Bless You. 0948937….
GUTOM UNAHIN
Sus Ginoo, si Binay nakatanggap ng big boooh sa Cebu. Nakahihiya talaga ang nangyari. Nanisi pa ng ibang grupo, sarili niya dapat ang sinisi. Sa Mindanao ka pupunta, baka hindi lang boooh ang aabutin mo.
Si Grace Poe naman, ginamit pa niya ang tatay niya na matagal nang patay. Si Mayor Duterte naman, kinatatakutan ng lahat ng uri ng mga demonyo sa lupa, high profile man or pipitsugin. Kaya siya ang choice ng lahat ng sektor ng sosyedad. Kontrobesyal pa. Mas mabuti siguro na unahin nila ang mga miyembro, kasi marami ring mga patay-gutom, walang trabaho at walang mga tirahan na nangupahan lang. Isa na rito ang kapatid ko at mga pamangkin. ‘Pag nagawa nila ito, saludo ako sa kanila.
Sabi ni Enrile, may ebidensya raw siya laban kay PNoy tungkol sa SAF 44. Ilabas muna, bawi-bawi lang ‘yan at para malaman ng taumbayan ang totoong kwento para matapos na ang misteryong nakabalot dito. Thanks. 0926594….
SI BINAY
Sa kabuuan ng mga presidentiable, Binay ang nasa puso’t isipan ng mga mamamayang Filipino.
Sa anomang sektor ng buhay nila, may kredibilidad si Binay, malawak ang karanasan. Napagbintangan nang walang katotohanan, tunay na natural born. Siya ang karapat-dapat among his rivals to the presidency. 0930154….
PONDO SA YOLANDA
Nasaan ang pondo ng Yolanda victims, mga nasa Liberal Party at Dinky Soliman? Magpaliwanag kayo sa taumbayan. Isang malaking katanungan ‘yan na nakapagtataka ukol sa tulong ng buong mundo. 0975884….
YOLANDA FUNDS PA
Magandang araw po sa iyo, Benny Antiporda, at sa column mong ULTIMATUM. Reklamo ko lang po kung saan napunta ang milyon-milyong donasyon ng ibang bansa sa Pinas noong humagupit ang bagyong Yolanda. Kasi sa Tacloban pinabayaan lang po ng pamahalaan. Dahil ba sa balwarte ito ng mga Romualdez at Marcos? Nakahihiya sa ibang bansa kung malaman ito, nakahihiya ang tinatawag na Matuwid na Daan?
0949507….
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA
