Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GUSOT SA LOOB NG LP BAKA MAGKALAGLAGAN?

$
0
0

KAMAKAILAN ay may ugong-ugong na mukhang nagkakaroon na raw ng lamat sa loob ng Liberal Party sa balak ng kanilang stamdard bearer na ni former SILG Mar Roxas na gawing kapartido agad-agad ang mga incumbent na opisyal sa mga lokal na posisyon.

Walang pagkakaiba ito sa nangyari noong nakaraang taon, na may isang beteranong mambabatas ang umano’y inatake sa puso sa sama ng loob nang siya ay inilaglag ng LP at ipagpalit sa ibang politiko para sa lokal na posisyon sa probinsya ng Bulacan.

Masyadong dinamdam ng dating congressman ang nangyari sa kanya kaya ito ang naging sanhi ng kanyang pagkatigok!

Katunayan ay nagpunta at nakiramay pa si Pangulong Noynoy Aquino sa lamay, pero no show Hsi Mar Roxas sa burol (bakit kaya?) Hehehehe.

May mga grupo kasi sa loob ng LP ang diskuntento sa ganitong estilo at nais nang kumalas dahil sa pagwawalang-bahala ng kasalukuyang pamunuan ng partido na palakasin at patibayin ang alyansa.

Siguro bukod sa mga na-turn-off sa ginagawa ng liderato ng LP, apektado na rin nito ang ibang mga miyembro na wala sa poder o hindi incumbent pero nais pa ring tumakbo sa lokal na posisyon sa darating na eleksyon sa Mayo.

Siyempre natural lang na may magagalit sa aksyong ito ni Roxas, na ang akala yata niya ay makahahatak ng boto ito para sa kanya at ang running mate niyang si Leni Robredo.

Bagama’t president-on-leave si Roxas (base sa website ng LP) siya pa rin ang may mando sa loob ng kanilang partido.

Eh, tila mukhang desperado na itong si Ginoong Roxas, at hindi na niya alintana kahit pa makabangga niya ang kanyang sariling kapartido at marahil ito na ang epekto ng patuloy na pangungulelat sa standing niya sa lahat ng mga election-related survey.

Kahit ipagsigawan pa nang ilang beses ni Roxas na hindi siya apektado sa palagiang pangungulelat niya sa survey sa mga nagsisilabasang survey ay iba naman ang kanyang nagiging aksyon.

Ang masakit nito ay tila baga nadedesperado na si Roxas. Mantakin ninyo, ilang daang milyon na ang nagastos ng LP para sa kanilang television ads pa lamang, pero ganon pa rin na hindi man lang umangat nang bahagya ang kanyang nakukuhang numero sa survey. Ay naku, Roxas…

Kaya hayun, isa-isa nang nag-iisip ang LP members na ‘mag-ober da bakod’ sa partidong May puso at Malasakit, sa kampo nila Sen. Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>