Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NO. 12 ULIT SA RMN SENATORIAL SURVEY SI CONG. GATCHALIAN

$
0
0

ANO ba ito, tuloy-tuloy na yata ang pagiging senador ni Valenzuela Rep. Sherwin ‘Win’ Gatcahalian dahil pumasok na naman siya sa “Magic 12” o winning circle ng senatorial bets sa nationwide survey na isinagawa ng Radio Mindanao Network noong nakaraang Enero 5-14.

May 3,578 randomly-selected radio listeners na pawang na-interview nang face-to-face ng mga taga-RMN Research Department.

Pumasok din si Gatchalian sa Magic 12 ng Pulse Asia survey noong Disyembre 4-11, 2015 dahil nakapagtala siya ng 36 percent voter preference na pinakamataas na survey rating na kanyang nakamit.

Nakapagtala kasi si Sherwin ng 22.64 percent na boto sa pagka-senador kung sakaling ngayon gagawin ang eleksyon. 100% na pasok na sa pagka-senador si Gatchalian dahil sa voter preference na naglagay kay Gatchalian sa No.12 position. Nalampasan pa niya si re-electionist Sen. Teofisto Guingona, Jr. na nasa No.13 na lang.

Pinakamataas ang nakuhang boto ni Gatchalian sa Northern Luzon nang makapagtala siya ng 33.42%. Alam naman natin na taga-Isabela ang ina ni Sherwin at malimit siyang umikot sa mga lalawigan ng Luzon kaya marahil mataas ang voter preference niya rito.

Pagkatapos ay sa National Capital Region na 22.30% ang bumoto kay Gatchalian na miyembro ng Nationalist Peoples Coalition. Ibig-sabihin nito ay nagmarka sa mga taga-Luzon at NCR ang serye ng TV commercials ng naturang kongresista na malaking tulong sa pagtaas ng kanyang popularidad.

Sa RMN survey, nananatitiling nasa No.1 pa rin si Sen. Grace Poe sa pagka-Pangulo na may 28.59% at malakas pa ring kandidato sa pagka-Bise Presidente si Sen. Chiz Escudero na may 33.14% voter preference.

Siyempre hindi pa rin nawawala sa No.1 sa RMN survey si Sen. Tito Sotto na re-electionist senator na kasama ni Gatchalian sa partidong NPC at sa senatorial ticket ng Poe-Escudero tandem na tinatawag na Partido Galing at Puso.

Kabilang din si Gatchalian sa anim na senatorial candidates na iniindorso ng Partylist Coalition Foundation na may sinasabing 15.5-million votes na pwedeng i-deliver sa mga kandidato sa pagka-senador.

Sinabi ni CIBAC Rep. Sherwin Tugna, anim na senatorial candidates lang ang kanilang susuportahan at ang mga ito ay mga kasamahan nila sa House of Representatives kung saan miyembro si Gatchalian.

Kasama rin si Sherwin sa mga iniendorso ng mga militanteng Partidong Manggagawa ang senatorial candidacy ni Gatchalian na kamakailan din ay itinaas din ang kamay ng nasabing kongresista ng movie producer na si Mother Lily Monteverde. Kasama rin si Gatchalian sa mga senatorial ticket na iniendorso ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

‘DI MATIBAG ANG BOOKIES

Patuloy daw ang rebisahan ng bookies ng STL nitong si Florence alyas Lorenz at kasosyo nitong si Kap. Carling sa Bgy. Bulaclacan, Bgy. 7 at Bgy. 5, Lipa City.

Grabe ang lakas ng mga magbu-bukis na ito dahil ipinagtatanggol pa sila ni Lipa City chief-of-police Supt. Bernard Bisugo, este, Dasugo.

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES