Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNOY TATALUPAN SA SENADO SA MAMASAPANO

$
0
0

MAY mga misteryo na nakapulupot sa Mamamasapano massacre.

Isa sa mga misteryo ang hanggang ngayo’y kawalan pa rin ng resolusyon ng Kamara na isa sa mga nag-imbestiga ng masaker.

Sabi ng mga bosing sa Kamara, mga Bro, lalabas umano ang resolusyon sa loob ng dalawang linggo.

Anak ng tokwa, parang katulad yata ito ng panukalang Freedom of Information na sinasabi noon ng mga bosing diyan na sa huling sesyon nila ipapasa.

Namuti na ang uwak, walang FOI na naipasa. Ganito rin kaya ang ukol sa Mamasapano masaker?

Misteryoso, mga Bro!

MAMASAPANO VS BBL

Isa ring misteryoso ang relasyon ng Bangsamoro Basic Law at Mamasapano massacre.

Wala nang ginawa mismo ang Palasyo kundi isulong ang BBL at may mga sumusulpot pa ngang haka-hak na magkasuhulan para lang maipasa ang panukalang ito, lalo na sa Kamara.

Sa kabilang banda, ngayon lang nagsasalita ang mga bosing, lalo na sa Malakanyang, ukol sa bagal umano ng usad ng katarungan pabor sa mga biktima ng Mamamasapano incident, kabilang na ang mga nasugatan.

Isinabay ng mga taga-Kamara ang pagsasalita sa pagsasalita ng mga taga-Malakanyang kamakalawa lang pabor sa mga biktima ng Mamasapano.

Anong meron sa BBL na inuunang asikasuhin ng mga boss sa Tuwid na Daan kaysa sa hustisya para sa mga nasawi at nasugatan laban sa teroristang si Marwan?

Misteryo rin?

BAKIT SA KANO?

Hanggang ngayon, isa talaga sa mga walang maliwanag na kasagutan ang katanungang: bakit sa mga Amerikano kaagad ibinigay ang daliri ni Marwan at hindi sa mga awtoridad sa Pilipinas.

Pinutol ang daliri ni Marwan nang imposibleng madala ang katawan nito palabas sa lugar ng massacre makaraan itong mapatay ng mga SAF.

Sabi ng mga bosing, wala silang natanggap na daliri at nalaman na lang ng buong bayan na nasa Ameka na pala ito para isailalim sa pagsusuri ng mga Kano.

Hindi kaya ang mga Kano ang bosing ng mga boss sa mahal Pinas ukol sa usaping ito kaya hindi man lang natin silang narinig na nagreklamo sa nangyaring ito?

Nagpusta tayo ng maraming buhay, ‘yun pala, para lang sa mga Kano ang lahat?

Ibinala ang mga pulis natin sa kanyon pero pangunahin para sa kapakinabangan ng mga Kano?

Ano ang ibig-sabihin ng pagpupusta natin ng buhay para sa mga Kano at ni walang angal ang ating mga bosing?

Nasaan na nga rin pala ‘yung malaking halaga na pabuya sa makadarakip o makapapatay kay Marwan?

Misteryo?

EXECUTIVE SESSION

Mukhang inaabuso ang executive session sa Kongreso.

Inilalagay sa executive session o sikreto ang isang imbestigasyon kung makasasama umano sa seguridad at integridad ng bansa ang pag-uusapan.

Sa Senado, habang iniimbestigahan ang Mamasapano, naramdaman na nga ang pagsisinungaling ng isang mahalagang resource person, tila pinabayaan lang ito.

Ngayon may senador nang ilantad ang buong usapan o ilan sa mga ito para ilinaw sa bayan na nagnanais nang malaman ang buong katotohanan.

Ito’y sa gitna ng panawagan ng ilang senador na muling buksan ang imbestigasyon upang ilantad ang buong katotohanan.

Ngayon nga ay nagpipilit si Manong Johnny na ilabas na ang buong katotohanan at ang dulo nito ay ang klaro at tuwirang pananagutan mismo ni Pangulong Noynoy sa pangyayari.

Kaiba ito sa kongklusyon noon na pirmado ng 21 senador na nagsasabing may palatandaan ng si PNoy ay “ultimately responsible.

Mawawala na nga kaya ang misteryo rito?

ANG MGA SINUNGALING

Lahat ng mga kasama ni PNoy noong nasa Mindanao sila habang nagaganap ang labanan at masaker ay nagsabing wala silang alam.

Pinalalabas nila noon hanggang ngayon na pinasyalan lang nila ang mga lugar ng binomba ng mga rebelde at inalam ang mga nasira sa pambobomba.

Hapon o gabi na nang malaman nila na may nangyari pala. At lahat ng pangyayari ay sa pagitan lang nina noo’y suspended PNP chief Alan Purisima at si SAF chief Getulio Napeñas.

Text lang din umano ang komunikasyon sa pagitan nina PNoy at ni Purisima at hanggang doon lang.

Noon pa lang ay duda na ang mga mamamayan at naniniwalang may misteryo talagang naganap dito.

TATALUPAN SI PNOY

Sabi ni Manong Johnny, may ebidensya siyang alam na alam ni PNoy ang buong pangyayari at siya talaga ang responsable sa lahat hanggang, maging ang masakerin sa SAF 44.

Kaya cover lang ang pagpunta nito sa Mindanao sa araw na iyon at mag-inspeksyon ng sinira ng pambobomba ng mga rebelde sa isang lugar?

Naroon ang Pangulo umano upang siya ang tatanggap ng bangkay ni Marwan.

Lilinaw rin kaya ang balita noon na nanonood mismo si PNoy sa war room ng isang kampo militar sa padalang mga balita ng drone ng mga Kano na umiikot-ikot sa Mamasapano?

Lalabas din kaya ang pagsisinungaling ng mga tsuwariwap ni PNoy na pawang mga bosing ng mga departamento ng depensa at pulisya noon?

“Just watch” sa araw na ito sa Senado.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>