Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LOYALTY?

$
0
0

MAY ibig-sabihin pa ba ang loyalty sa sistema ng pulitika sa ating bansa?

O, marahil, dahil sa mala-lobong personal na interes, ambisyong umaabot sa kalawakan at nakahihiyang kawalan ng dangal, ay naiba na at ini-ba pa ang kahulugan nito?

Kumbaga, nahulog ang kahulugan, at inapakan, sinipa-sipa. Wala nang kwenta ang loyalty.

Si Sen. Alan Cayetano ay maaalalang nakipagpulong kay dating Sec. Mar Roxas at kay PNoy mismo para maging kandidato ng LP sa pagka-Bise Presidente.

Hayun. Walang nangyari.

Kaya kumaripas kay Mayor Rody Duterte, kaawa-awang nanligaw, makapal ang mukha na nanuyo at desperadong naghintay.

‘Di talaga masikmura ni PNoy na maging VP ng LP si Cayetano kaya ayan, lipat siya agad kay Duterte. Kapag tuluyan na siyang ilaglag ni Duterte, kanino na naman kaya siya pipila?

Si Sen. Bongbong Marcos naman ay parang ganito rin. Tumungo kay Duterte at nang mag-pabebe pa si Duterte, dahil ayaw naman ni Marcos ma-zero, nakipag-tandem kay Sen. Miriam Santiago.

Kaso, tumuloy naman pala ang nagpakipot-kipot pa na Duterte, kaya mapapansing mistulang iniwan na rin ni Marcos ang ni-minsan ay ‘di man lamang niya nakasama sa kampanya na si Santiago.

Heto. Nakikipagsiksikan kay Duterte at Cayetano at mukhang nakasisingit naman.

Kailan kaya niya ipagtatapat, kung kakayanin niyang maging matapat, kay Santiago na kahit isang beses lang ay wala siyang balak sumama rito?

Si Rep. Leni Robredo ay iba at kakaiba. Mukhang sa lahat ng mga kandidato, siya ang pinaka-loyal.

Ang siste nga lang, parang napulbos ang kahulugan at natunaw ang kahalagahan ng tinatawag na loyalty.

Dati ang akala ay isa siyang progresibo na ‘di kayang lamunin ng bulok na sistema. Nakalulungkot. Nilunok niya ang lahat nang buong-buo.

Ang pinakamalinaw na halimbawa ay ang pagtalikod niya sa sarili niyang boto pabor sa dagdag na pension para sa mga retirado ng SSS.

Nang inilabas ng Pangulo ang desisyon na pag-veto, ‘di pa man alam ni Robredo kung bakit ay kumampi kaagad sa Pangulo, katulad din ng mga kapartido niya sa LP na pabor din ang boto pero lahat ay bumaligtad dahil ito ang direktiba ng partido. Sayang!

Akala pa naman ng lahat, kapag nagkaipitan at nagkapitpitan, ay walang dudang papanig si Robredo sa tao at hindi sa utos at dikta ng partido.

Mali pala ang inaasam na akala. Ano naman kaya ang susunod na pagkakataon na babaliin na naman niya ang kanyang sinasabing prinsipyo?

Napakarami pang halimbawa ng pambababoy sa tunay na diwa ng loyalty sa sistema ng pulitika sa ating bansa.

Abangan ang mga susunod na ratsada. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>